Joross Gamboa, maging lucky charm din kaya sa Mang Kepweng movie?

by PEP Troika
Aug 22, 2019
Fresh from the sucess of Hello Love Goodbye, Joross Gamboa will next be seen in Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim.
PHOTO/S: Noel Orsal

NOEL FERRER: Pagkatapos ng big hit na Hello, Love, Goodbye with my talent na lucky charm ng production na si Joross Gamboa, natuloy na rin ang storycon ng kanyang bagong movie na Mang Kepweng, Ang Lihim ng Bandanang Itim ng CineKo.

Tampok dito siyempre si Vhong Navarro with leading lady Barbie Imperial.

It also stars Ms. Jaclyn Jose, Bayani Agbayani, Ryan Bang, Fumiya & Yamyam of PBB, Alora Sasam, Margo Midwinter, Ion Perez, at Lotlot de Leon.

Itong bagong Mang Kepweng to be directed by Topel Lee ay nakatakdang magsimulang mag-shoot soonest.

Balak pala noong una na isali ito sa finished film submission ng Metro Manila Film Festival (MMFF), pero since magkakaibigan sina Vice Ganda at Anne Curtis na may nauna nang naaprubahang entry, baka sa Summer MMFF na lang isasali itong Mang Kepweng movie.

Bukod dito, may cameo rin si Joross sa dalawang Pista ng Pelikulang Pilipino entries na The Panti Sisters at I’m Ellenya L.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA: Noong Enero 4, 2017 ipinalabas ang Mang Kepweng Returns, na birthday presentation ng bidang si Vhong Navarro.

Huling nagbida si Vhong sa Unli Life na entry sa 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino (Agosto 15-21, 2018).

Si Kim Domingo ang leading lady ni Vhong sa Mang Kepweng Returns.

Bakit kaya this time ay si Barbie Imperial na?

At least, andiyan ang lucky charm na si Joross Gamboa!

GORGY RULA: Nakakatuwa at hindi nawawalan ng project si Joross. Magaling kasi siyang makisama.

Di ba, gustung-gusto siyang isama ni Alden Richards sa bagong drama series nito sa GMA-7 na The Gift?

Hindi lang talaga pumuwede dahil sa schedule at iba pang prior commitments.

Mas mag-focus yata si Joross ngayon sa paggawa ng pelikula.

Itong Mang Kepweng ang first movie na prinodyus ng Cineko at yun lang yata ang nakabawi sila. Hindi na sila kumita sa mga sumunod na prinodyus nila.

Sana, makaahon sila sa mga susunod nilang gagawin dahil nakikita ko naman kay Mayor Enrico Roque na gusto pa niyang gumawa ng mga pelikula para marami pang taga-movie industry ang makapagtrabaho.

Continue reading below ↓

Sana, maganda ang taong 2020 para sa Cineko.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Fresh from the sucess of Hello Love Goodbye, Joross Gamboa will next be seen in Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results