JERRY OLEA: Nanlumo si Sunshine Cruz sa balitang lalaya na ang dating mayor ng Calauan, Laguna na si Antonio Sanchez matapos mahatulan ng 360 years na pagkakulong noong 1990s.
Loosely based sa kaso ng panggagahasa at pagpapaslang ni Mayor Sanchez sa UPLB student na si Eileen Sarmenta, at pagpatay sa boyfriend nitong si Allan Gomez, ang pelikulang Humanda Ka Mayor! Bahala Na Ang Diyos (1993), kung saan gumanap si Sunshine bilang rape victim na pinatay kapagkuwan.
Idinirek iyon ni Carlo J. Caparas, at joint venture ng Regal Films at Golden Lion Films.
Tampok doon sina Aga Muhlach, Kris Aquino, at Dick Israel bilang Mayor Miguel Beltran.
Bahagi ng post ni Sunshine sa Facebook nitong Agosto 22, Huwebes, kaugnay sa nasabing pelikula:
“Kuya Dick Israel played the Mayor convicted of rape and murder. I remember being so scared of Kuya Dick Israel dahil sobrang galing umarte. Sobrang realistic that it was really scary.
“To those people saying that Sanchez deserves to be freed, think twice.. If something like that happens to one of your relatives or daughters, I am sure hindi nyo yan sasabihin.
“Nakakatakot malamang may ganyang klase ng tao na never nagkaroon ng remorse na maaaring malayang makakagalaw. I feel for Eileen’s mom and family...”
NOEL FERRER: Petition papers and sign-up sheets are being passed around para i-reconsider ang ruling about Mayor Sanchez.
Sa parang impyernong traffic at dengue epidemic na hinaharap natin ngayon, 'tapos heto pa ang barometro ng ating moralidad. Saan na kaya tayo pupuluting mga Pilipino?
GORGY RULA: Sa pagkakaintindi ko lang, aapela pa ang pamilya ng pinaslang na sina Allan Gomez at Eileen Sarmenta.
Malalaman natin kung pakikinggan ng korte ang kanilang apela.
Kasi, sa tingin ng karamihan, parang wala namang nabago kay Sanchez.
Kahit nang nakakulong ito, maayos ang kalagayan niya sa loob ng kulungan kumpara sa mga ordinaryong taong nakakakulong na mas magaan pa ang sentensiyang ipinataw sa kanila.