Marco Gumabao, kinabog sina Kit Thompson at Enzo Pineda sa butt exposure

by PEP Troika
Aug 22, 2019
Hindi pagkakapili ng Just A Stranger sa Pista ng Pelikulang Pilipino, blessing in disguise.

JERRY OLEA: Blessing-in-disguise na hindi kalahok sa 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino ang Just A Stranger na pinagbibidahan nina Anne Curtis at Marco Gumabao, na idinirek ni Jason Paul Laxamana para sa Viva Films.

Sa MMFF 2018 ay #3 sa takilya ang Viva horror movie ni Anne na Aurora, kung saan tampok din si Marco.

Sandali lang ang pa-puwet ni Marco sa Just A Stranger, pero kinabog niya sina Kit Thompson (Belle Douleur) at Enzo Pineda (Malamaya).

Sarap-sarapan ang mga landian at harutan nina Mae (karakter ni Anne) at Jekjek/Jericho (karakter ni Marco), at benta sa audience ang mga dialogue at sitwasyon na sinuong nila.

Ang galing-galing ng mga sumuporta sa kanila na sina Edu Manzano at Cherie Gil.

Agaw-eksena rin si Josef Elizalde bilang 25-anyos na pari.

Sa istorya, 19-anyos si Jekjek. Half Mae’s age, which must be 38 or so.

Sa totoong buhay, 25 na si Marco, at 34 pa lang si Anne.

Continue reading below ↓

Hindi ako na-convince na 19-anyos lang ang hunkilicious na si Jekjek.

Hindi siya mukhang totoy para sa akin.

Mas bet ko kung tipong Edward Barber (19-year-old), Ryle Santiago (20-year-old), Iñigo Pascual (21-year-old) o Joshua Garcia (21-yar-old) ang gumanap.

But then, how can I argue with success? Winner sa takilya ang Just A Stranger.

GORGY RULA: Totoo kaya ang inilabas nilang naka-PHP12.5M ito kahapon?

Ayon sa reliable source ng PEP Troika, naka-PHP10M lang ito kahapon.

Pero PHP10M man o PHP12.5M, malakas ito at sana ay tuluy-tuloy lalo na sa weekend.

Ang dinig ko pa, PHP200M ang tina-target ng Viva na kitain nitong pelikula.

Sana makuha nila ito para na rin sa ikasisigla ng ating movie industry.

Sabi nga nila, may following talaga si Anne Curtis at masuwerte ang pa-puwet ni Marco Gumabao.

NOEL FERRER: I just saw the movie Just A Stranger.

Hindi man tayo sang-ayon sa pinuntahan ng kuwento, aaminin ko na mahusay talagang storyteller si Jason Paul Laxamana.

Continue reading below ↓

Ngayon, aabangan ko ang PPP entries at nae-excite actually ako if they are really better than Just A Stranger.

Gusto ko ring umangat pa at kumita sa box office ang Mina-anud para maengganyo pa sanang sugalan ng Regal ang matinong pelikulang tulad nito.

Don’t mind me... I’m just an observer.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi pagkakapili ng Just A Stranger sa Pista ng Pelikulang Pilipino, blessing in disguise.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results