Sue Ramirez at Joao Constancia, break na

by PEP Troika
Aug 22, 2019
Sue Ramirez on breakup with Joao Constancia: "Sabi nila… basta marami kaming differences, e."
PHOTO/S: Noel Orsal

GORGY RULA: Sa mediacon ng pelikulang Cuddle Weather nitong Agosto 22, Huwebes ng gabi, sa 38 Valencia Events Place, Quezon City, hindi agad nakahuma si Sue Ramirez nang pinatanong ni Mother Lily through Kuya Mario Bautista kung sila pa rin ba ni Joao Constancia ng BoybandPH.

“Judge niyo na lang po sa reaction ko,” safe na sagot ni Sue, pagkatapos niyang mag-isip nang matagal.

Sinundan na lang ng tanong ni Kuya Mario kung “so it’s complicated?”

“Opo. Yes,” tipid na sagot ng Kapamilya actress.

Pagkatapos ng open forum, kinuyog na ng tanong si Sue.

Inamin niyang nakipag-break na siya kay Joao.

Hindi lang niya idinetalye kung ano ang dahilan.

“May mga differences lang po. Pero nag-uusap kami. Kanina, kausap ko siya, e,” napapangiting sagot ni Sue.

Sunud-sunod ang mga tanong na iisa lang ang ibig sabihin—kung ano talaga ang dahilan at tinapos na nila ang dalawang taon nilang relasyon.

Sabi lang ni Sue, “Sabi nila… basta marami kaming differences, e.

Continue reading below ↓

"Madaling sabihin na yung mga differences ay hindi nagma-matter, but after two years, you’ll actually see the effect."

Yung nakikita mo na yung effect sa ‘yo at saka sa kanya."

Wala pa raw isang buwan silang break, at okay sila bilang magkaibigan.

Posible bang magkabalikan sila?

“Hindi ko naman po sinasara ang mga pinto, e. So, hindi ko pa po masagot sa ngayon,” pakli ni Sue.

Medyo nahirapan na si Sue sagutin ang iba pang tanong, dahil hindi raw siya talaga marunong magsinungaling.

Kaya ipinakiusap ng mga taga-Regal na tungkol na lang sana sa Cuddle Weather ang mga tanong.

Sa September 13 na ang showing ng Cuddle Weather, isa sa mga pelikulang kalahok sa 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino (September 13 hanggang 19).

Ka-partner dito ni Sue si RK Bagatsing.

NOEL FERRER: Kasama sa pagiging makulay ng love life ni Sue Ramirez ay ang pagiging masalimuot din ng sinapit ng love life ng direktor ng Cuddle Weather na si Rod Marmol sa isa pang direktor din.

Continue reading below ↓

Sana, nakatulong ang mga hugot nila sa buhay dito sa pelikulang Cuddle Weather.

JERRY OLEA: Mabuting mag-concentrate muna nina Sue at Joao sa kani-kanyang career.

Ang alam ko, noon pa gustong kumalas ni Joao sa BoyBandPH para tumahak ng solo career.

Hanggang Disyembre na lang ba ang nasabing grupo, at sa bagong taon ay kani-kanya na sila?

May kasunod nang movie si Sue.

Siyempre, excited akong mapanood ang Cuddle Weather kung saan gaganap si Sue bilang ismarteng pokpok na si Adela Johnson.

Ang alindog niya, mala-anghel... pero nakakademonyo!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sue Ramirez on breakup with Joao Constancia: "Sabi nila… basta marami kaming differences, e."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results