Pambato ng Pilipinas, makapasok kaya sa Mr. World 2019 Top 12?

by PEP Troika
Aug 23, 2019
Si JB Saliba ang pambato ng Pilipinas sa Mr. World 2019.
PHOTO/S: @jbsaliba Instagram

JERRY OLEA: Tigil-talakan muna ang mga juding garcia at judikla mirasol kaugnay sa Baño Queen ng Araneta Center.

Gaganapin kasi ang 10th edition ng Mister World (The World’s Most Desirable Man) ngayong Agosto 23, Biyernes, 8:30 to 10 P.M. sa Araneta Coliseum, Quezon City.

May 72 bansa ang magtatagisan sa timpalak, na tinagurian ng iba bilang “The Thriller in Manila 2.”

May live streaming ito sa official website ng Miss World—pay per view sa halagang USD12.

Continue reading below ↓

Dahil sa fast track events, pasok na sa Top 12 ng Mister World 2019 sina: Akshay Rayamajhi (Nepal), wagi sa Multimedia Challenge; Mikaele Henry Ahomana (Tonga), wagi sa Talent competition; Fezile Mkhize (South Africa), wagi sa Sports Challenge; Wayne Walsh (Ireland), wagi sa Extreme Challenge.

Ang kinatawan ng lupang hinirang ay ang 25-anyos na si Jody Baines “JB” Saliba, na tinaguriang batang ‘Gapo.

Kasama si JB sa top 5 ng Top Model fast track challenge, along with Brian Arturo Faugier González (Mexico), Alejandro Martínez (Dominican Republic), Jack Heslewood (England), and Jorge Eduardo Núñez Martínez (Venezuela).

Ang tatanghaling winner sa Top Model challenge ay pasok din sa Top 12.

Ang reigning Mister World ay si Rohit Khandelwal ng India.

Continue reading below ↓

GORGY RULA: Sana, may mapanalunan ang pambato nating si JB Saliba kahit runner-up.

Hindi natin sure kung may babalikan siyang career sa showbiz kung hindi sya mapansin sa Mister World 2019.

Di ba, may contract pa dapat siya sa Regal? Kasali pa rin kaya siya sa horror movie ni Direk Joey Romero sa BG Films?

Si Beauty Gonzalez dapat ang bida sa pelikulang iyan, pero papalitan na raw siya. Kaya mababago na ang casting at ewan ko kung maiiwan pa si JB.

NOEL FERRER: Naku, naku! Nakikita ko iyan sa Pay-Per-View section ng cable ko.

Marami kayang mag-access dito?

Good luck sa candidate ng ‘Pinas!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si JB Saliba ang pambato ng Pilipinas sa Mr. World 2019.
PHOTO/S: @jbsaliba Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results