Bea Alonzo, nag-scriptwriting workshop; Julia Barretto, nag-volleyball

by PEP Troika
Aug 25, 2019
Bea Alonzo (kaliwa) um-attend ng scriptwriting workshop habang naglaro naman ng volleyball si Julia Barretto (kanan).
PHOTO/S: Cyrus Panganiban / Shaira Luna

GORGY RULA: Kasisimula lang ng All-Star Games ng Star Magic sa Araneta Coliseum ngayong Linggo, August 25.

Ang naglalaro ng basketball habang isinusulat ko ito ay ang Red Team na pinangungunahan ni Jerome Ponce versus ang Blue Team ni Elmo Magalona.

Dumating si Pia Magalona para sumuporta kay Elmo, at ang girlfriend naman ni Jerome na si Mika Reyes ang nagtsi-cheer sa Red Team.

Namataan ng source ng PEP Troika ang pagdating ni Marjorie Barretto para sumuporta kay Julia Barretto.

Continue reading below ↓

Mahigpit daw ang security sa Araneta para maiwasan ang posibleng gulo kapag nagkakainitan na sa laro.

Ang inaabangan siyempre ay ang volleyball match ng team nina Julia at Kim Chiu, at ang basketball ng team ni Gerald Anderson at ng It’s Showtime.

JERRY OLEA: Sa kabila ng mga intriga, the game must go on.

Huwag nating hanapin sa Araneta si Bea Alonzo dahil may scriptwriting workshop siya every Sunday kay Ricky Lee, kung saan nandoon din ang ka-Troikang Noel Ferrer.

Pagkatapos ng palaro today, aabangan naman natin ang mga ganap sa ABS-CBN Ball next month.

NOEL FERRER: Maaliwalas at good vibes lang si Bea sa katatapos naming klase today.

Naghanda pa siya para sa birthday ng kaklase at kaibigan din naming may birthday, si Monch Novales.

Sa dami ng ingay sa labas, tunay na nakahanap si Bea ng comfort at safe place sa writing workshop namin under Ricky Lee, who just came back from the New York shoot of Mac Alejandre’s film.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Alonzo (kaliwa) um-attend ng scriptwriting workshop habang naglaro naman ng volleyball si Julia Barretto (kanan).
PHOTO/S: Cyrus Panganiban / Shaira Luna
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results