Bea Alonzo, deadma sa interviews nina Gerald, Julia, at ina ni Gerald

by PEP Troika
Aug 26, 2019
Bea Alonzo, tahimik pa rin pagkatapos ng interviews nina Gerald Anderson, Bea Alonzo, at Evangeline Opsima sa media.
PHOTO/S: Cyrus Panganiban

NOEL FERRER: Nanahimik si Bea Alonzo nang nagpa-interview sina Gerald Anderson (kay Ganiel Krishnan at sa iba pang ABS-CBN crew) at si Julia Barretto (kay MJ Felipe).

“Dignified silence” pa rin ang kanyang stance as she is trying to cope and heal positively sa pinagdaanan niya sa issue nina Gerald at Julia at, ngayon, pati na ang iba pang nagsasalita sa isyu.

Sa Ricky Lee Scriptwriting Class namin nitong Agosto 25, Linggo, Bea was just overwhelmed with the outpouring of support ng buong klase namin, pati na ng ibang random people at iba pang kasamahan sa industriya.

Wala kang makukuhang kanegahan at hindi mo siya mapo-provoke kahit laging may bagong issue na naman kung sino man ang latest na nagsasalita.

Tuloy, may isang kasamahan kaming writer-director ang sumagot on Bea’s behalf na parang inuulit lang ang isang meme na lumabas, “Bakit parang si Bea na naman ang may kasalanan?”

Dagdag pa ng isang producer na kaklase namin, “Sino ba ang nagloko at nagsinungaling? At bakit may mga nagpapainterbyu at naglilinis ng pangalan?”

Continue reading below ↓

May nawawalan ba ng projects or endorsements?

More than the projects, nakanino ba ang simpatiya at pagmamahal ng tao?

Ang maganda lang kay Bea, busy siya ngayon sa magkasabay na ginagawang pelikula at teleserye, at ang ganda pa ng kinalalabasan ng kanyang output sa aming writing workshop.

Without lifting a finger—or releasing any statement or publicity—dahil she chooses to keep her “dignified silence,” mararamdaman mong she is loved.

GORGY RULA: Maganda itong pagsali ni Bea sa Scriptwriting Workshop dahil doon na lang sa mga script na isusulat niya ilalabas ang nararamdaman niya ngayon.

Tama ngang manahimik na lang siya.

Huwag na niyang patulan ang mga sinasabi ng ina ni Gerald Anderson dahil netizens na mismo ang sumasagot para sa kanya.

Pinutakti ito ng matinding bashing at sa takbo ng mga pangyayari, lalong napahamak ang Kapamilya actor sa mga sinabi ni Mommy.

Siyempre nanay, hindi natin sila mapipigil kung gusto nilang ipagtanggol ang kanilang anak.

Continue reading below ↓

Kahit si Marjorie Barretto ay hindi rin nagpapahuli.

Siya kaagad ang nagpaliwanag kung bakit No. 3 rin ang Jersey number na suot ni Julia Barretto, ka-numero ng suot ni Gerald sa All-Star Games 2019 kahapon.

Sabi ni Marjorie, No. 3 na talaga si Julia mula pa noong Varsity player siya sa Volleyball sa high school.

Si Gerald naman ang napiling Most Valuable Player sa pagkapanalo ng team niya sa basketball sa All-Star Games 2019.

Valuable na kaya siya ngayon sa mga advertisers at sa mga manonood ng ginagawa niyang A Soldier’s Heart?

Di ba, may kani-kanyang gagawin sila ni Julia para sa iWant TV? Itutuloy pa ba ang mga iyan?

JERRY OLEA: Huwag po! Huwag po!

Huwag po tayong asado o hopia na magiging patola si Bea sa mga hanash na walang kapararakan. Deadma is the word.

Si Gerald, Most Valuable Player sa All-Star Games. Player talaga siya.

Ang tanong... kailan ipapalabas ang teleserye niyang A Soldier’s Heart? Sa tingin ninyo, pupusuan ito ng advertisers at televiewers?

Continue reading below ↓

E, di ba, nag-back out si Gerald sa ASAP Natin ‘To Bay Area na ginanap noong Agosto 3 sa San Jose, California, dahil umano sa banta ng ilang sponsors na magpu-pull out sakaling kasali roon ang aktor?

Huwag po! Huwag po!

At si Julia... itinakda ba na parehong No. 3 ang jersey number nila ni Gerald sa All-Star Games?

Ito ba ay biro o paglalaro ng tadhana?

Ang zombie movie nina Julia at Joshua Garcia na BlockZ, dapat bang ipalabas na this year?

Huwag po! Huwag po!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Alonzo, tahimik pa rin pagkatapos ng interviews nina Gerald Anderson, Bea Alonzo, at Evangeline Opsima sa media.
PHOTO/S: Cyrus Panganiban
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results