Lily Monteverde, naging "Mother Lily" dahil kay Lolit Solis

by PEP Troika
Aug 27, 2019
(L-R) Michiko Yamamoto (standing, extreme left), Moira Lang (seated, second from left), Erik Matti (standing, in blue), Dondon Monteverde (standing, in stripes), and Lolit Solis (seated).
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA: Puspusan na ang pag-iinterbyu ni Direk Erik Matti sa mga resource person para mabuo nila ang kuwento ni Mother Lily Monteverde.

Nitong Agosto 27, Martes ng hapon, ay halos dalawang oras na nakapanayam ni Direk Erik, kasama ang writers ng project na sina Moira Lang at Mitchiko Yamamoto, si Lolit Solis.

Tawa lang sila nang tawa sa mga kuwento ni Manay Lolit tungkol kay Mother Lily.

Si Manay Lolit pala ang nakaisip na tawaging "Mother" ang Regal matriarch dahil ayaw ni Mother na tawagin siyang Mrs. Monteverde.

Nakakahiya naman daw na Lily lang, kaya tuwang-tuwa raw ito sa Mother Lily.

Si Father Remy lang daw ang di type na tawaging "Father."

Medyo senti lang si Manay Lolit pagkatapos ng interview dahil naalala niya ang best friend niyang si Tito Douglas Quijano, na mas close daw kay Mother at mas marami pa sanang maikuwento.

Sila raw ni Tito Dougs, pati si Tito Alfie Lorenzo, ang laging kasama noon ni Mother Lily.

Continue reading below ↓

Tinanong si Nay Lolit kung sino ang gusto niyang gumanap sa kanyang karakter.

Natuwa siya nang si Dondon Monteverde na mismo nag-suggest na bagay si Gladys Reyes, na close din kay Judy Ann Santos na siyang gaganap na young Mother Lily.

JERRY OLEA: Makulay ang buhay ni Mother Lily.

Kaya sabi ko sa anak niyang movie producer din na si Dondon Monteverde, mas gusto ko na digital series sana para sa iWant para mas malawak ang scope.

Ang sagot ni Dondon, puwedeng gawan iyon ng series.

Kumbaga, pelikula lang muna, at saka gagawing serye.

NOEL FERRER: Sana magawa na ang pelikulang iyan o series sa lalong madaling panahon.

Dati, may plano pang libro dapat in honor of Mother Lily.

Dapat na ring mangyari at magawa iyan habang nabubuhay pa si Mother.

Nakakaaliw, nakakabaliw, nakakaiiyak, nakakatuwa iyan sakaling maisakatuparan.

Sari-saring emosyon ang mararamdaman—na sana, puno ng pang-unawa at pagmamahal.

Continue reading below ↓

Game na, Dondon at Erik, susuporta kami riyan!!!

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(L-R) Michiko Yamamoto (standing, extreme left), Moira Lang (seated, second from left), Erik Matti (standing, in blue), Dondon Monteverde (standing, in stripes), and Lolit Solis (seated).
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results