Derrick Monasterio, na-inspire mag-Broadway o West End dahil sa Rak of Aegis

by PEP Troika
Aug 28, 2019
Derrick Monasterio on his dream of starring in a Broadway or West End musical: "Gusto ko, mag-international. Yung Phantom of the Opera… mga ganun."
PHOTO/S: James Patrick Anarcon

GORGY RULA

Aminado si Derrick Monasterio na marami siyang natutunan nang napabilang siya sa cast ng musical play na Rak of Aegis.

Disiplina sa trabaho ang una, dahil hindi na raw siya nali-late sa taping at sa mga trabahong ibinibigay sa kanya.

“Saka, binabasa ko na ang buong script ngayon. Kasi dati, yung pangalan ko lang ang binabasa ko,” sabi ni Derrick sa mediacon ng bagong Kapuso primetime series na Beautiful Justice nitong Agosto 27, Martes, sa Le Reve Events Place, Quezon City.

Pinag-usapan namin ang experience niya sa Rak of Aegis.

Ang dami raw nabago sa kanya, lalo na sa pagkanta.

Naramdaman daw niyang tumaas ang boses niya, dahil naaabot na niya ang kanta na dati ay hirap siya.

Naging mabait daw kasi ang co-actors niya sa Rak of Aegis kaya tinuturuan siya.

Natutuwa siya dahil marami siyang papuring natatanggap, at may ilan ding di magagandang punang nakarating sa kanya.

Continue reading below ↓

“Okay lang naman yun ganung comments. Hindi naman ganun kasama.

“Sinabi lang nila na miscast daw ako, hindi raw ako bagay sa role.

"Kasi, masyado raw akong Amboy-looking para sa role.

“Okay lang. Marami namang good reviews, e," pakli ng Kapuso hunk singer-actor.

Dahil sa mga magandang experience niya sa Rak of Aegis, gusto niyang mapasali sa ibang musical play, at dream daw niyang masubukan ding mag-perform sa Broadway o West End.

“Gusto ko, mag-international. Yung Phantom of the Opera… mga ganun.

“Kung merong magpa-audition, mag-audition talaga ako.

“Gusto ko talaga, parang kay Ate Aicelle [Santos],” napapangiting pahayag ni Derrick.

Samantala, sinubukan na ring mag-action ni Derrick sa Beautiful Justice, na magsisimula na sa September 9 pagkatapos ng 24 Oras.

NOEL FERRER

Pagkatapos sumabak sa teatro ni Derrick, at least hindi na lang basta itatawid ang role ang iisipin niya kundi tumindi pa ang kahusayan!

On to the next assignment!

Continue reading below ↓

Sana, dala-dala niya ang magandang karanasan sa teatro para kilalanin siyang mahusay na aktor at hindi pa-abs lang.

Good luck!

JERRY OLEA

Matapos maging bidang lalaki sa mga pelikulang Almost A Love Story (with Barbie Forteza) at Wild and Free (with Sanya Lopez), nawa’y magkaroon ng box-office hit na movie si Derrick.

Parang kailan lang na halos magka-level sila ni Alden Richards, at meron pang naughty video.

Ngayon, ipinagbubunyi na si Alden bilang Box Office King.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Derrick Monasterio on his dream of starring in a Broadway or West End musical: "Gusto ko, mag-international. Yung Phantom of the Opera… mga ganun."
PHOTO/S: James Patrick Anarcon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results