Free concert ni Manny Pacquiao, ipalalabas sa ibang Asian countries

by PEP Troika
Aug 29, 2019
Ang free concert ni Manny Pacquiao ay pagdiriwang na rin ng pagkapanalo niya sa bakbakan nila ni Keith Thurman noong Hulyo 20 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada, USA.
PHOTO/S: Manny Pacquiao Instagram

JERRY OLEA

Sa Setyembre 1, Linggo ng 8 P.M., na ang libreng concert ni Manny Pacquiao sa Araneta Coliseum.

Opo! Libre ang Manny Pacquiao: A Concert for Champions (The Grand Pac Token Launch) kaya walang tiket dito, face value lang! First come, first served!

Ito ang unang major concert ni PacMan sa Pilipinas, at kabilang sa guests niya sina Kimi Mugford (Miss Multinational Philippines 2018), Alyssa Muhlach (reigning Reina Hispanoamericana Philippines 2018), El Gamma Penumbra, Kris Lawrence, at Gerphil Flores.

Produced ito ng Global Crypto Offering Exchange (GCOX), sa pakikipagtulungan ng Sato Exchange at GDX Alliance.

Ayon sa business manager ni PacMan na si Arnold L. Vegafria, ipalalabas ang concert na ito sa iba’t ibang bansa sa Asya.

Ang concert na ito ay bale pagdiriwang na rin ng pagkapanalo ng Pambansang Kamao sa bakbakan nila ni Keith Thurman noong Hulyo 20 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada, USA.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Sana hindi na magtuluy-tuloy ang pananalanta ng bagyong Jenny sa ating bansa this weekend.

Sana talaga ay umusad na ang usapan sa hatian ng resources sa West Philippine Sea at, sana, may upperhand nga tayo.

Sana rin, masolusyunan ang epidemya ng dengue sa ating bansa.

Good luck sa concert ni Senator Pacquiao!

GORGY RULA

Susubukan daw ni Senator Pacquaio na makabuo ng walong kanta.

Ito naman talaga ang nakahiligan niya noon pa.

Mabuti at mapupuno naman ng mga magagaling na guests kaya mabubuo nila ang halos dalawang oras na concert na iyan.

Mas curious ako kung maghi-hit itong Pac Token na ilu-launch nila na project din ng GCOX sa ibang celebrities kagaya ng football legend na si Michael Owen, tennis superstar na si Caroline Wozniacki, at ang pop artist na si Jason Derulo.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang free concert ni Manny Pacquiao ay pagdiriwang na rin ng pagkapanalo niya sa bakbakan nila ni Keith Thurman noong Hulyo 20 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada, USA.
PHOTO/S: Manny Pacquiao Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results