PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Isabelle de Leon at Michelle Dee, napapaboran sa pagsali sa Miss World Philippines 2019?

Miss World Philippines 2019 candidates, nagpasiklaban sa kanilang suot na swimsuit sa media presentation.
by PEP Troika
Published Aug 30, 2019
Ang pagsali kaya sa Miss World Philippines 2019 ang magsilbing career boost na hinihintay nina Isabelle de Leon (kaliwa) at Michelle Dee (kanan) na talents ni ALV?
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Naka-high heels ang 40 candidates ng Miss World Philippines 2019 sa media presentation nitong Agosto 29, Huwebes ng hapon, sa Versailles Tent ng Novotel Hotel, Araneta Center, Quezon City.

Dalawa sa mga dilag ay muntik nang matapilok. Matapos ang Q&A ay pinatanggal ang kanilang high heels para sa group photo sa may swimming pool.

Magdadapit-hapon na noon kaya nagkukumahog ang mga kandidata, maging ang photographers, press people, bloggers, pageant aficionados, at mga usisero.

E, umaambun-ambon pa! Kaya sandali lang ang group photo nila.

Any moment ay magkasakit sila dahil mahigit dalawang oras na silang naka-two piece.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa 40 candidates ay tatlo ang artista.

Si Isabelle de Leon (candidate #1) ay dating child actress. Gumanap siya bilang younger sister ni Jiro Manio sa pelikulang Magnifico (2003), at bilang Duday sa GMA-7 sitcom na Daddy Di Do Du.

Si Michelle Dee (candidate #21) ay anak nina Melanie Marquez at Derek Dee, at lumabas sa pelikulang Because I Love You (2019).

Si Kelley Day (candidate #24) ay dating member ng GirlTrends, at lumabas sa mga Kapuso drama series na The One That Got Away at Dahil Sa Pag-ibig.

Ang gabi ng koronasyon ay sa Setyembre 15, Linggo ng gabi, at ite-telecast iyon sa Sunday Night Box Office (SNBO) ng GMA-7.

Puring-puri ni Arnold L. Vegafria ang mga kandidata.

Aniya, malaki ang chance na iyong anim na winners sa batch na ito ay magwagi sa mga sasalihang global pageants—Miss World (Disyembre 14 sa London), Reina Hispanoamericana, Miss Eco International, Miss Multinational Philippines, Miss Tourism, at Miss Eco Teen International.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa 40 candidates ay tatlo lamang ang teenagers.

Silang tatlo lamang ang pagpipilian sa Miss Eco Teen International, at ang organizer niyon ay isa sa judges ng Miss World Philippines 2019.

GORGY RULA

Artista ni Arnold Vegafria sa kanyang ALV Talent Circuit, Inc. sina Isabelle de Leon at Michelle Dee.

Kaya namamalisyahang napapaboran kapag magka-title sila sa Ms. World Philippines.

Pero may karapatan naman si Michelle.

Hindi lang ako sure kay Isabelle dahil hindi ko pa siya nakikitang rumampa at first time pa lang niyang sumali sa ganitong beauty pageant, bilang singer naman iyan noon, at iba ang image.

Ang isa pang malakas diyan na napakaganda talaga ay si Kelley Day na hawak ng GMA Artist Center at Prima Stella.

Kapag napanood natin si Migo Adecer sa pageant night para sumuporta kay Kelley, ibig sabihin ay sila pa rin pala, at hindi totoong nagkakalabuan na silang dalawa.

NOEL FERRER

Sana nga, maulit na ang feat na natamo ni Megan Young bilang Miss World natin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Natatandaan ko si Chanel Morales na alaga ni ALV na sumali sa Miss World Philippines, nasaan na siya?

Si Isabelle de Leon ay talent din ni ALV pati na si Michelle Dee; so ito na kaya ang reinvention at career boost na hinihintay nila?

Hindi kaya maging issue ang conflict of interest na mismong talent ng organizer ay contestant at napipintong manalo?

Oh well, nangyari na iyan noon. Wala na lang basagan ng trip?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang pagsali kaya sa Miss World Philippines 2019 ang magsilbing career boost na hinihintay nina Isabelle de Leon (kaliwa) at Michelle Dee (kanan) na talents ni ALV?
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results