PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

PPP3 Grand Fancon, solo concert ni Carlo Aquino kasado na

Sa PPP3 Grand Fancon, get up close and personal sa mga artistang may movie entry sa Pista Ng Pelikulang Pilipino!
by PEP Troika
Published Aug 30, 2019
Full-packed ang mga ganap sa showbiz bukas, August 31: PPP3 Grand Fancon, Liwanag In Concert, showing ng The Ghosting, at iba pang events!
PHOTO/S: PPP3 Grand Fancon poster / @jose_liwanag Instagram

JERRY OLEA

Andaming ganap bukas (Agosto 31, Sabado)!

UNA, Grand FanCon ng 3rd PPP (Pista ng Pelikulang Pilipino).

Gaganapin ito mula 9:00 a.m. hanggang 10:00 p.m. sa SMX Convention Center Manila, Seashell Lane, Mall of Asia Complex, Pasay City.

PHP99 ang entrance. May concert ang Ben & Ben. Samu’t sari ang pasiklab ng 10 entries sa film fest.

Malamang sa alamang na present dito sina Jean Garcia, Paolo Ballesteros, Martin del Rosario, Christian Bables, Arci Muñoz, JC Santos, Vance Larena, McCoy de Leon, Jameson Blake, at Sue Ramirez.

Gayundin sina RK Bagatsing, Maris Racal, Iñigo Pascual, Khalil Ramos, Gabbi Garcia, Angie Ferro, Gloria Sevilla, Anita Linda, at marami pang iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

IKALAWA, Liwanag in Concert tampok si Carlo Aquino.

Magsisimula ito ng 8:00 p.m. sa Music Museum. Ang halaga ng tiket ay PHP3,500 (VIP Center), PHP2,700 (VIP Side), at PHP1,500 (Balcony).

Manonood kaya rito si Maine Mendoza na leading lady niya sa pelikulang Isa Pa, With Feelings?

At kung manonood si Maine, kasama kaya niya si Arjo Atayde?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

IKATLO, 16th birthday party ni Lorin Gabriella Bektas sa Makati City.

Bawal dito ang gaka.

Ang attire ng mga panauhin: Festival Chic. Hindi formal-formal-an. Pang-Coachella. Pasiklaban ang mga fashionista!

NOEL FERRER

Bukas din ang concerts ng mga bigatin.

Andiyan ang concert ni Lea Salonga na Perfect 10 na magsisimula ngayon sa Resorts World Manila, pati na ang MaestroRy na tribute kay Mr C (Ryan Cayabyab) sa Solaire naman.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

At bukas din ang pagbabago ng sked ko sa TeleRadyo Inquirer to 3:00-5:00 p.m.

Guests ko ang mga anak ng Christmas icon at singer-songwriter Jose Mari Chan na sina Joe at Mike Chan na kasali this year sa Pinoy Playlist Music Festival (na meron namang media conference today).

Ang daming ganap, kasabay pa ng ArteFino bazaar sa Rockwell.

Paano ang mga ito sa payday weekend TRAFFIC? Good luck!

GORGY RULA

Sana, maganda ang panahon para makalabas ang mga tao bukas na katatanggap lang ng kanilang suweldo.

Sana, sa sinehan ang karamihan at panoorin ang horror movie na The Ghosting nina Andrea Brillantes at Khalil Ramos.

Hindi kasi gaanong maganda ang box-office results ng naturang pelikula na nagbukas noong Agosto 28, Miyerkules.

Maayos ang feedback sa The Ghosting, kaya sana ay magkainteres ang mga mahihilig sa horror na panoorin ito.

Bukas din ng tanghali ay muling haharap sa media si Ryle Santiago para sa ini-endorse niyang Cherub ng Megasoft Hygienic Products, Inc.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ikukuwento niya kaya kung nagkaayos na sila ng isang co-member niya sa Hashtags na nakaalitan niya noon?

JERRY OLEA

Labs Kita, Sabado!

Kaugnay sa pagdiriwang ng ASEAN Month, exhibit opening ng Sama-sama ASEAN Para sa Kalikasan: ASEAN, Our One Sea bukas nang 5:00 p.m. sa Rizal Park Open-Air Auditorium.

Bahagi ng programa si Bayang Barrios at Ang Naliyagan, Viva Voce, Ramon Obusan Folkloric Group, Guang Ming Dance Project, at Aisha Munaf.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaugnay sa kanyang kaarawan, ipalalabas ang ilang pelikula ng indie actress na si Cataleya Surio bukas ng 7:30 p.m. sa Sta. Ana Art Center, Plaza Hugo, Sta. Ana, Manila.

"This is for my chronically ill mom. Your attendance to this event will mean a lot to me," ani Cat.

Libre ang admission sa event na tinaguriang CineKat. Meow!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukas ng 10:30 p.m., magpapasiklab ang indie actor na si Troy Montez, aka Kid Lopez, sa bikini contest na Maskara King 4 sa One 690, Roces Avenue, Quezon City.

Susuportahan kaya siya rito ng ex-GF niyang si Mystica?

Kabilang din sa line-up ng contestants ang dalawang bikini hunks na lumalabas din sa indie movies. Iyong isa ay nagpakitang-gilas pa sa bridal shower ng isang sikat na aktres.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Full-packed ang mga ganap sa showbiz bukas, August 31: PPP3 Grand Fancon, Liwanag In Concert, showing ng The Ghosting, at iba pang events!
PHOTO/S: PPP3 Grand Fancon poster / @jose_liwanag Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results