PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Nar Cabico, Jay Durias, Martti Franca nagsampol para sa Pinoy Playlist Music Festival

Basil Valdez, bibigyang-parangal sa Pinoy Playlist Music Festival 2019.
by PEP Troika
Published Aug 31, 2019
Kabilang din sa 100+ performers ng PPMF 2019 sina Martin Nievera, Gary Valenciano, Christopher de Leon, Ricky Davao, Joanna Ampil, Jon Santos, Noel Cabangon, Ebe Dancel, Cookie Chua, at Bayang Barrios.
PHOTO/S: Jerry Olea / Noel Ferrer

JERRY OLEA

Level up ang 2nd edition ng Pinoy Playlist Music Festival (PPMF) na gaganapin sa Oktubre 11, 12, 13, 18, 19, at 20 sa BGC Arts Center, Taguig City.

Ipagkakaloob kay Basil Valdez ang 2019 Ryan Cayabyab Award for Musical Excellence.

Kasama sa pagpupugayan sa In Memoriam segment si Jacqui Magno, na isa sa performers last year.

Sa mediacon nitong Agosto 30, Biyernes ng hapon, sa BGC Arts Center, nagsampol sina Martti Franca, Nar Cabico, at The Bandurias (Jay Durias with sons Kahlil & Jaydee).

Kabilang din sa 100+ performers ng PPMF 2019 sina Martin Nievera, Gary Valenciano, Christopher de Leon, Ricky Davao, Joanna Ampil, Jon Santos, Noel Cabangon, Ebe Dancel, Cookie Chua, at Bayang Barrios.

“Ito ay atin! Sariling atin!”

Magpapakitang-gilas din ang Itchyworms, The Company, Acapellago, Pinopella, Baihana, Banda Trenta y Uno Orchestra, Philippine Tenors, at Ryan Cayabyab Singers.

Ilan pa sa performers ay GMA Music Artists na sina Princess Velasco, Golden Cañedo, Jong Mabalibay, at Garrett Golden.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Across genres! Across generations!”

Salamat, salamat, musika! Salamat, salamat, BGC Arts Center at Sun Life Foundation!

Ang curators ng PPMF ay sina Maestro Ryan Cayabyab, Moy Ortiz, at ka-Troikang Noel Ferrer.

Makikita sa litrato sa baba sina Moy, Maria Isabel Garcia, Noel, at Mestro Ryan.

GORGY RULA

Ang isa sa inaabangang bago sa Pinoy Playlist 2019 ay ang collaborations kung saan nagpa-sample si Jay Durias kasama ang mga dalawang anak niya, na tinawag nilang Bandurias.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabi ni Maestro Ryan Cayabyab, “Some of the collaborations will be like father and daughter. Collaborations with the band and big singer.

“We’re still fixing together other things, but I think that’s one of the major innovations of this year.”

Medyo naiintriga ako nang slight dahil hindi ko naramdaman ang partisipasyon dito ng OPM (Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi napanood ang karamihan sa active officers and members ng naturang organisasyon na nag-perform noong nakaraang taon dahil nasa ASAP sa Amerika ang karamihan sa kanila. Inaasahan ang kooperasyon nila ngayong taon.

Halimbawa, ang collaboration ng mag-amang Ogie at Leila Alcasid? May ibang plano ba sila o hindi lang talaga sila interesado sa makabuluhang proyektong ito?

Ang maganda rito, sabi pa ni Mr. C, nakakatuwa na nakikita na nila ang mga magagaling na mga batang singers na dumaan sa training nila.

May camps kasi sila noon kung saan nakapag-produce ng mga magagaling na singers gaya nina Moira dela Torre, Ben and Ben, at marami pang iba.

Kaya inaasahang lalo pa itong lalaki at mas maganda habang tumatagal. Mahirap ang nanganganay pero mukhang aabangan na ito at aasahan taun-taon.

Sana, matuloy ang planong pagsali ni Nora Aunor na kahit hindi na siya makakanta ay puwede niyang maipakita ang partisipasyon niya rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Bibigyan din ng pagkilala ang mga taong kumakatawan ng mga interes at kahusayan ni Mr C (Ryan Cayabyab) tulad nina Manoling Francisco (liturgical composition), Louie Ocampo (composition), Chit Arambulo (music education), at Onofre Pagsanjan (Pagsulat sa Filipino sa musical/teatro).

Bukod kay Jacqui Magno, may pagpapahalaga rin kina Rico J. Puno, Pepe Smith, at Armida Siguion-Reyna.

Sabi nga ni Maribel Garcia, Content Head ng BGC Arts Center, malaking pasasalamat sa Sun Life na co-presentor at ang mga artist na makikiisa ngayong taong ito!

Tunay ngang Pinoy Playlist, Ito ay Atin! Sariling Atin!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kabilang din sa 100+ performers ng PPMF 2019 sina Martin Nievera, Gary Valenciano, Christopher de Leon, Ricky Davao, Joanna Ampil, Jon Santos, Noel Cabangon, Ebe Dancel, Cookie Chua, at Bayang Barrios.
PHOTO/S: Jerry Olea / Noel Ferrer
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results