Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Ryle Santiago on Kira Balinger: "Niligawan ko, hindi naging kami"

by PEP Troika
Sep 1, 2019
Ryle Santiago with his parents Sherilyn Reyes and Chris Tan
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Tinapos na pala ang kung ano mang namagitan kay Ryle Santiago at sa 19-year-old na bida sa bagong teleseryeng Pamilya Ko na si Kira Balinger. Naging item sila noon, pero sabi ni Kira, wala raw label ang kung ano mang meron sila ni Ryle.

Nitong August 31, Saturday, sa Oriental Palace, Quezon City, kung saan pumirma si Ryle ng renewal of contract sa Megasoft Hygienics, Inc., nilinaw ni Ryle na hindi naging sila ni Kira, pero niligawan niya ito.

Hindi raw in-allow ng ABS-CBN 2 at ng magulang ni Kira na magka-boyfriend ito.

“She’s management favorite. She has a very bright future. Kung ayaw ng family niya, ayaw ng management, I have to respect. Hindi naging kami. Niligawan ko... iyun na nga, kasi magka-complicate pa, e, kung ganun,” pahayag ni Ryle.

Dugtong ni Ryle, “I understand completely kasi bata pa siya, e. I’m not saying na eventually in the long run, hindi magiging kami. She’s a very special person to me hanggang ngayon. Pero, kailangan niya munang mabuhay. Kailangan niya munang ma-experience ang life, and I can’t get in the way of it."

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Mabuting asikasuhin muna nina Ryle at Kira ang kani-kanilang career bago sila magligawan. Ang sabi nga, “Water seeks its level.”

GORGY RULA

Ang bagong nali-link kay Ryle ay ang Kapuso young actress na si Pauline Mendoza, na naintriga rin kay Joshua Garcia. Sabi ni Ryle, hindi pa niya masabi kung liligawan ba niya si Pauline dahil close lang daw sila bilang magkaibigan.

“We have so much in common. Mga banda na gusto ko, gusto niya rin. So, palagi kami magkasama sa mga concert nila. Sabay kaming naghahabol ng gigs,” pahayag ni Ryle.

Madalas silang lumalabas, at ang alam daw niya ay close din si Pauline kay Joshua, pero friends lang din daw.

“Magkaibigan kami ni Josh. Magkaibigan kami ni Pauline, hindi ako nakikisawsaw. Si Joshua at saka pinsan ni Pauline, magkakaibigan. Close kasi talaga sila,” pakli ni Ryle.

Masyado pa raw maaga para sabihing posibleng humantong sa ligawan. Pero nag-e-enjoy siyang lumalabas sila ni Pauline.

Continue reading below ↓

“Ilang months pa lang kami magkasama. Makapaghintay ang pag-ibig. Pag nandiyan, e, di nandiyan,” deretsong pahayag ng Kapamilya Hashtags member.

Sa ngayon ay gusto muna niyang mag-focus sa trabaho lalo na’t ipinagkatiwala sa kanya uli ang mag-endorse ng Cherub Baby products na pinu-promote niya sa mga paaralan sa iba’t ibang probinsiya.

NOEL FERRER

In fairness, after Ryle’s stint sa Bakwit Boys, at nanalo pa siya ng award doon, puwede talagang i-build up si Ryle bilang important actor. Go slow sa love issues, matuto muna mula sa angkan niyang mga artista, at magkaroon ng sariling contribution sa showbiz.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ryle Santiago with his parents Sherilyn Reyes and Chris Tan
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results