Julia Barretto, pinayuhan si Lorin Gutierrez na huwag munang mag-boyfriend

by PEP Troika
Sep 2, 2019
Julia Barretto's wish for Lorin Gutierrez: "My birthday wish for her is sana, ma-achieve niya lahat ng dreams niya. Focus on her studies. Sana marami pa siyang ma-achieve in the future. Lahat ng gusto niyang ma-achieve for herself, and enjoy her youth."
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA: Hiningan namin ang mag-asawang sina Congresswoman Lucy Torres-Gomez at Ormoc City Mayor Richard Gomez, pati na rin ang mag-inang Marjorie at Julia Barretto ng birthday wish para kay Lorin Gutierrez.

Ginanap ang party ni Lorin noong Agosto 31, Sabado ng gabi, sa Whitespace Manila, Chino Roces Avenue Extension, Makati City.

Sabi ni Ma’am Lucy, "I wish her a beautiful life. She’s at a really wonderful age where the world is before her and anything is possible!"

Pahayag ni Mayor Goma, "Ang wish ko kay Lorin, number one, huwag muna siyang mag-boyfriend.

"Pangalawa, mag-enjoy siya sa mga kaibigan niya. Tapusin niya ang pag-aaral niya. At kailangan, mahalin niya ang parents niya."

Saad ni Marjorie, "Hindi ko na alam kung bakit sobrang bilis ng panahon! Dati kasi, beybing-beybi pa si Lorin.

"But anyway, happy, happy birthday! And you know, I wish her all the success in life!"

Continue reading below ↓

At mula kay Julia, “My birthday wish for Lorin... How old is she? Sixteen? My God! I wish I was 16 again!

"My birthday wish for her is sana, ma-achieve niya lahat ng dreams niya. Focus on her studies.

"Sana marami pa siyang ma-achieve in the future. Lahat ng gusto niyang ma-achieve for herself, and enjoy her youth.

"Huwag munang magbo-boyfriend!"

Ang ganda ng advice ni Julia, huh?! Iyan din ba ang advice niya sa kanyang sarili?

Nakangiting bulalas ni Julia, “Yes! Iyan ang advice ko sa 16-year-old self ko!”

NOEL FERRER: Ang bilis nga ng panahon, lalo pa’t 16 na si Lorin.

Sana nga, masunod niya ang advice sa kanya ng mga bigating bisita sa birthday niya.

May inclination bang pumasok sa showbiz si Lorin like her mom?

Let’s see kung paano siya gumawa ng sariling pangalan—apart from her celebrity mom Ruffa Gutierrez!

Continue reading below ↓

GORGY RULA: Dapat nga ba silang matakot kapag nagka-boyfriend si Lorin?

Pero naka-focus daw kasi talaga ang panganay ni Ruffa sa pag-aaral, kaya kahit may ilang nagtatanong kung puwede na ba niyang pasukin ang pag-aartista, hindi ito siniseryoso ni Lorin.

Gusto niya talagang makatapos sa pag-aaral.

OK lang daw kung sa commercial modelling, pero priority pa rin ang pag-aaral.

Gusto na rin daw sana nilang i-groom na maging beauty queen, pero studies pa rin ang uunahin niya.

Kaya kahit hindi pa siya tumuntong sa Grade 12, nag-summer course ito sa UCLA ng Economics bilang paghahanda na sa pagpasok sa college.

JERRY OLEA: Ano bang mas gusto ni Annabelle Rama para sa apong si Lorin, maging beauty queen o mag-artista?

"Bahala siya kung ano ang gusto niya. I’m here to support her. Support lang ako," sey ni Tita Annabelle.

Diretso namang sinabi ni Ruffa na bawal pang mag-boyfriend si Lorin.

Continue reading below ↓

Bulalas ni Ruffa, “Hindi naman ako kasintaray ni Mommy na palaaway, pero dapat 18 pa rin siya! O, di ba? Maghintay siya hanggang 18.

"Sinabi ko kay Lorin, huwag siyang magmadali. Kasi, lahat ng mga nanligaw sa akin noong araw, medyo... eewww! Ganoon na ako sa kanila ngayon.

"Sabi ko, the first boy that you’re gonna meet, we always want him to be our last, but in reality, it doesn’t happen!"

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julia Barretto's wish for Lorin Gutierrez: "My birthday wish for her is sana, ma-achieve niya lahat ng dreams niya. Focus on her studies. Sana marami pa siyang ma-achieve in the future. Lahat ng gusto niyang ma-achieve for herself, and enjoy her youth."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results