"Mabagal" nina Daniel Padilla at Moira dela Torre, nakaka-good vibes

by PEP Troika
Sep 3, 2019
"Mabagal" nina Daniel Padilla at Moira dela Torres, sure winner na sa Himig Handog 2019?
PHOTO/S: Star Music

GORGY RULA

Ang cute ng collaboration nina Daniel Padilla at Moira dela Torre sa kantang "Mabagal," na likha ni Dan Martel Simon Tañedo para sa Himig Handog 2019.

Parang lumang kanta at pati sa music video ay pang-senior citizens na rin.

Alam nating old songs ang hilig ni Daniel kaya kitang-kitang gustung-gusto niya ang kanta at bumagay rin sa timbre ng boses ni Moira.

Ang nakakakilig sa music video na ginawa nila ay ang pagsali ni Kathryn Bernardo, kung saan kasayaw niya rito si Daniel, at si Moira naman ay partner ang asawa niyang si Jason Marvin.

Nakaka-good vibes pakinggan at panoorin ang naturang music video.

Nakakatuwa lang na kahit abala pa si Kathryn sa pag-iikot sa ibang bansa para sa screening ng Hello, Love, Goodbye, may panahon siyang mag-shoot sa music video na ito nina Daniel at Moira.

At kahit kinilig-kilig tayo sa KathDen tandem nina Kathryn at Alden Richards sa Hello, Love, Goodbye, kikiligin ka pa rin talaga sa maikling eksena sa music video na ito nina Daniel at Kathryn.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Dahil may text votes component ang special awards ng Himig Handog, marahil ay ito na ang magwawagi ng karamihan ng popularity awards.

At kung ang pagbabasehan naman at ang kanta, kahit pa sabihin na magaganda rin ang ibang entries, parang itinodo na lahat dito sa kantang ito.

Para bang may panalo na?!

JERRY OLEA

Guests sina Daniel at Jason Marvin sa Braver concert ni Moira sa Setyembre 13 sa Araneta Coliseum.

Naku! Baka puwedeng isali na rin diyan si Kathryn alang-alang sa kantang "Mabagal"!

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Mabagal" nina Daniel Padilla at Moira dela Torres, sure winner na sa Himig Handog 2019?
PHOTO/S: Star Music
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results