Special announcement sa victory party ng Hello, Love, Goodbye: Bonus o part two?

by PEP Troika
Sep 3, 2019
Tuloy ang komunikasyon ng Hello, Love, Goodbye cast members kabilang sina Alden Richards, Jeff Tam, at Joross Gamboa kahit matagal nang tapos ang pelikula.
PHOTO/S: Noel Orsal / Jerry Olea

GORGY RULA

Excited si Alden Richards kung ano ang announcement ngayong Setyembre 3, Martes ng gabi, sa blowout ng Star Cinema dahil sa box-office success ng Hello, Love, Goodbye.

Napangiti na lang si Alden nang binanggit ko ang pa-bonus sa kanila, pero wala raw siyang ideya kung ano yung ia-announce sa kanila.

Baka nga ang posibilidad na part two ng pelikula nila ni Kathryn Bernardo, pero parang matagal pa iyan.

Ang nakapaloob sa kontratang pinirmahan ni Alden kanina ay ang gagawin niyang pelikula sa GMA Pictures.

Kung posibleng gagawa siya uli sa Star Cinema, dapat mayroon muna siyang gawin sa GMA Pictures.

Bukod pa riyan, kinu-consider din nila ang pagpapahinga muna ni Direk Cathy Garcia-Molina.

Sabi ni Alden sa mediacon pagkatapos niyang pumirma sa renewal of the contract sa GMA-7 kaninang tanghali, “Sa ngayon po talaga, nandoon po kami sa magpapahinga po muna si Direk Cathy.

“Naging agreement po naming tatlo—ako, si Direk Cathy, at si Kath—kung magkakaroon man po ng part two, kailangan po kung sino man yung mga taong kasama namin nung part one, kami pa rin po lahat.

Continue reading below ↓

“Mas kabisado po ni Direk Cathy kung ano ang dapat gawin sa susunod na part, kung meron man po, kung payagan man po.

“Pero sa ngayon po, andoon po muna kami.”

JERRY OLEA

Nakausap namin sina Joross Gamboa at Jeffrey Tam sa shooting ng pelikulang Kid Alpha One nitong Setyembre 3, Martes ng hapon, sa EPIC PARC, Tanay, Rizal.

Tungkol sa usapang bonus...

“Iyong bonus, bonus na lang iyon, e! Kumbaga, main goal talaga namin, siyempre, iyong mga nanood, e, ma-satisfy,” sabi ni Jeffrey.

Sambot ni Joross, “And to touch people’s lives, kumbaga...”

Tuloy pa rin ang friendship at communication nila with Alden.

“Kaya lang, mas busy iyong isa!” sambit ni Jeffrey.

“Meron kaming group chat na araw-araw kaming nag-uusap!”

Hirit ni Joross, “Yes! Yes! Kagabi, magkakausap lang din kami!

"Laging gusto namin, sabay-sabay kaming pumunta ng victory party.

Continue reading below ↓

"Plano pa rin naming manood ng Hello, Love, Goodbye dapat.”

“Na sama-sama!” singit ni Jeffrey, na inulit ni Joross.

Nakatanggap si Joross ng bonus sa halos lahat ng movie na ginawa niya sa Star Cinema.

Ani Joross, “Nasusuwertihan lang ako dahil napapasama ako sa magagandang pelikula ng Star Cinema, kay Direk Cathy, kahit kay Direk Mae [Cruz-Alviar], saka iyong Ang Dalawang Mrs. Reyes.”

Hirit ni Jeffrey kay Joross, “Ikaw yata ang tunay na magician, e!”

Nagpakumbaba si Joross, “Hindi! Suwerte lang talaga, napapasama sa magagandang pelikula!”

NOEL FERRER

Lahat ay nagsasabing Alden Richards deserves all the good things that are happening to him dahil mabuti siyang tao.

Sana nga, makagawa siya ng bagong teleserye at pelikula na lalo pang makakapagpaangat ng kanyang premium bilang importanteng aktor!

Congratulations, Alden!!!

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tuloy ang komunikasyon ng Hello, Love, Goodbye cast members kabilang sina Alden Richards, Jeff Tam, at Joross Gamboa kahit matagal nang tapos ang pelikula.
PHOTO/S: Noel Orsal / Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results