Ivana Alawi, bagong biktima ng online booking fraud?

by PEP Troika
Sep 8, 2019
Is model-turned-actress Ivana Alawi the latest victim of an escort service agency's online fraud?
PHOTO/S: Ivana Alawi Instagram

JERRY OLEA

Nakakalukring ang mga pasiklab online ng isang booking agency na merong Twitter account.

Ipinangangalandakan ng ahensya na pa-booking ang isang model-turned-actress.

Ang booking rate daw ng gandarang social media starlet ay PHP2.6M para sa isang oras, at PHP4.7M naman para sa dalawang oras.

Paandar pa ng booking agency, “VIP Ladies must be booked 24 hours in advance. We respect our ladies and staff to provide a service that is real, professional and respectful.”

Continue reading below ↓

Totoo kaya ito?

GORGY RULA

Umalma na riyan si Perry Lansigan ng PPL dahil idinawit diyan ang alaga niyang si Ivana Alawi.

Pero hindi na dapat pinapatulan.

Hindi kasi kapani-paniwala ang mga presyo na milyun-milyon.

Kung anu-ano na lang ang naiisip ng mga tao sa social media para mapansin.

Kaya maging maingat na tayo kung alin ang papansinin at hindi!

NOEL FERRER

Naku, puwedeng magdemanda kung sakali! Pero sana, makuha muna sa mabuting usapan.

Nakakasirang-puri talaga kapag nadawit ka sa ganito.

Sana huwag na lang basta gumamit ng mga larawan kung hindi talaga kunektado sa ganitong pagbu-booking!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Is model-turned-actress Ivana Alawi the latest victim of an escort service agency's online fraud?
PHOTO/S: Ivana Alawi Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results