PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Coco Martin, nilinaw ang pagkikita nila ni Mayor Isko Moreno

Coco Martin, may nilulutong proyekto kasama si Mayor Isko Moreno?
by PEP Troika
Published Sep 12, 2019
Coco Martin on Manila Mayor Isko Moreno: “Sabi ko nga, nakakatuwa… ako, sobrang iniidolo ko siya sa lahat na mga nagagawa niya sa Maynila. Nahiya nga ako… biglang naging sobrang idol ko siya.”
PHOTO/S: Gorgy Rula / Facebook

GORGY RULA

Pinagbigyan ni Coco Martin ang hiling ng media na makapanayam siya sandali sa red carpet ng Sine Sandaan nitong Setyembre 12, Huwebes ng gabi, sa New Frontier Theater, Araneta Center, Quezon City.

Isa sa sinagot ng Kapamilya Primetime King ay ang pagkikita nila ni Mayor Isko Moreno sa tanggapan nito sa Manila City Hall kamakailan.

Ang duda ng ilan, baka meron silang movie project na pagsasamahan.

Sabi naman ni Coco, noon pa man ay hangang-hanga na siya sa galing ni Mayor Isko, at noon pa man ay magkakilala na sila.

Ani Coco, “Ako talaga ang sumadya sa kanya. Humingi ako ng appointment.

"Kasi, matagal ko siyang nakasama sa teleserye, and then… nag-report din ako sa kanya, may pinag-usapan kami.

“Sabi ko nga, nakakatuwa… ako, sobrang iniidolo ko siya sa lahat na mga nagagawa niya sa Maynila

“Nahiya nga ako… biglang naging sobrang idol ko siya.”

Sinundan namin siya ng tanong kung pinag-usapan na nila ni Mayor Isko ang tungkol sa susunod na gagawin niyang teleserye, ang FPJ’s Batang Quiapo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi pa naman po. Meron lang kaming project na pinag-usapan,” mabilis na sagot ni Isko.

JERRY OLEA

Gaya ng inaasahan, pinagkaguluhan nang sobra-sobra, labis-labis si Coco sa red carpet ng Sine Sandaan.

Kaibig-ibig siyang yumayakap at humahalik sa mga kakilala at kaibigan.

At ang katabi niya sa loob ng New Frontier Theater, ang Nag-iisang Superstar na si Nora Aunor.

Patuloy pang magniningning ang bituin ni Coco, ang Hari ng Telebisyon!

Abangan natin ang proyektong tatampukan nila ni Yorme Kois!

NOEL FERRER

Hindi kaya may cameo si Yorme Kois sa pelikula ni Coco Martin para sa MMFF?

Kaabang-abang yun kung nagkataon.

At least, nasa Sine Sandaan ang leading men ng panahong ito na sina Coco Martin, Piolo Pascual, Dingdong Dantes, Alden Richards, at Daniel Padilla.

Ipagpatuloy natin ang pagpaparangal at pagpapahalaga sa mga tunay na maraming ambag sa ating industriya!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Coco Martin on Manila Mayor Isko Moreno: “Sabi ko nga, nakakatuwa… ako, sobrang iniidolo ko siya sa lahat na mga nagagawa niya sa Maynila. Nahiya nga ako… biglang naging sobrang idol ko siya.”
PHOTO/S: Gorgy Rula / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results