Angel Aquino, gusto ring magkaroon ng Part 2 ang Glorious?

by PEP Troika
Sep 13, 2019
Angel Aquino on Glorious setting the trend on May-December love affairs in movies: "Kasi, just like any love story, marami namang different versions, e. It’s nice. Pero I’m glad na kami yung nauna.”
PHOTO/S: Mark Atienza

JERRY OLEA

Hinihintay ng mga tao ang Part 2 ng digital movie na Glorious, na pinagbidahan nina Angel Aquino at Tony Labrusca.

“Hinihintay ko rin!” natawang bulalas ni Angel nang makatsika namin sa Sine Sandaan event nitong Setyembre 12, Huwebes ng gabi, sa New Frontier Theater, Araneta Center, Quezon City.

Dugtong ni Angel, “Pero parang OK na rin na nag-end siya nang ganoon. We can leave it like that.

"We can leave it like that pero... why not? Yeah!"

Andami yatang na-inspire sa Glorious!

“Nagsunuran” ang iba.

Nauso ang mga pelikula kung saan mas may edad ang babae na nakipagdyowaan sa lalaki.

“E, kasi, just like any love story, marami namang different versions, e,” pakli ni Angel.

“It’s nice. Pero I’m glad na kami yung nauna.”

Ka-bonding ni Angel sina Amy Austria at Lorna Tolentino sa Sine Sandaan.

Sakay sila ng isang kotse mula sa bahay ni Lorna papunta sa New Frontier Theater.

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Sa magkakasunod na pelikulang may temang May-December love affair, ang Glorious pa rin ang matino para sa amin.

Puwede pa talagang may sequel yun, at huwag na yung iba.

Pero doon sa Sine Sandaan kagabi, pinag-uusapan nila roon kung ano pa ang susunod nilang gawin sa serye sa iWant TV na Call Me Tita.

Continue reading below ↓

Narinig kong sinasabi ni Lorna kay Direk Andoy Ranay na baka tsugihin na siya sa karugtong na episode nito.

Mas exciting siguro kung isasali na nila roon si Angel Aquino, di ba? Hindi kaya?

NOEL FERRER

Oo nga, nabalitaan kong baka magkaroon ng karugtong ang Call Me Tita na talaga namang nakakaaliw.

At suportahan talaga ang mga Tita roon! Masaya ‘yan!

Teka, bakit nga ba hindi naging luminary ang ibang naging kasama doon ni Ice na sina Mylene Dizon at Agot Isidro, na pawang best actresses at matagal na rin sa industriya?

Tinanong ko si Agot kung imbitado siya kagabi, sabi niya, “Hindi.”

Sayang naman.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angel Aquino on Glorious setting the trend on May-December love affairs in movies: "Kasi, just like any love story, marami namang different versions, e. It’s nice. Pero I’m glad na kami yung nauna.”
PHOTO/S: Mark Atienza
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results