JERRY OLEA
“Ang anak, may nanay, may tatay, puwedeng may mga kapatid, pero puwede ring walang tunay na kapamilya.”
Tigib ng drama ang episode ng Maalaala Mo Kaya ngayong Setyembre 14, Sabado, 8:30 P.M., pagkatapos ng The Voice Kids Season 4 sa ABS-CBN.
Tampok dito si Vance Larena at ang 2019 Cinemalaya best actress na si Ruby Ruiz.
Samantala, ire-replay ng Magpakailanman ang episode na “Asawa Ko ang Bayaw Ko,” na ayon sa IMDB (Internet Movie Data Base) ay unang ipinalabas noong Agosto 4, 2018.
Ang paandar nito, “Puso o pamilya? Ito ang mabigat na tanong na kailangang sagutin ng dalawang babae matapos silang paglaruan ng tadhana.”
Sina Katrina Halili at Kim Domingo ang gumanap bilang magkapatid.
Ang leading man nila ay si Kiko Estrada, na isa nang Kapamilya.
Matutunghayan ito ngayong Sabado night pagkatapos ng Daddy’s Gurl sa GMA 7.
NOEL FERRER
Oo nga, napansin kong replay episode dahil kay Kiko Estrada.
Bakit kaya magre-replay ang Magpakailanman gayung napakahigpit ng kumpetisyon sa ratings sa primetime?
May hindi ba umabot na episode or cost-cutting (na scheduled replay talaga)?
Oh well, I’m happy for good actors like Vance Larena and of, course, dear Ruby Ruiz for their Maalaala Mo Kaya feature tonight.
Happy viewing!
GORGY RULA: Ang pagkakaalam ko, bahagi ng pagtitipid ng produksiyon ang maglabas ng replay once a month.
Saka mabuti na rin yung replay na lang ng Magpakailanman ang itapat sa episode nina Ruby at Vance. Kahiya-hiya kung matalo pa nina Ruby at Vance.
Saka maganda iyang ini-replay ng Magpakailanman, e.