The Panti Sisters, mas lumalakas sa takilya

The Panti Sisters, nakaka-P36M na sa dalawang araw.
by PEP Troika
Sep 15, 2019
Siguradong tuwang-tuwa ang mga bida ng The Panti Sisters na sina Paolo Ballesteros, Martin del Rosario, at Christian Bables dahil sa pagtabo ng kanilang pelikula sa takilya.
PHOTO/S: Noel Orsal

GORGY RULA

Mukhang malaki ang kikitain ng producers ng pelikulang The Panti Sisters na nangunguna ngayon sa takilya sa 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino.

Kung naka-PHP13M ito sa opening day nito noong Friday the 13th, lalo pa itong lumakas kahapon, September 14, Sabado, kung saan tumabo ito ng mahigit PHP23M.

Kaya sa dalawang araw pa lang, naka-P36M na ito.

Kaya tuwang-tuwa ang tatlong bida ng pelikulang ito na sina Paolo Ballesteros, Martin del Rosario, at Christian Bables.

May word of mouth ang naturang pelikula dahil maganda at matino kasi ang comedy na ito.

Kaya puwede itong lumakas at kumita pa nang malaki dahil may mga international screening na rin ito.

Ipinost ni Paolo sa Instagram na naka-schedule itong mapanood sa America at Canada sa September 20.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pumapalo rin ang ilan pang entries ng PPP, kagaya ng Open na ayon sa source ng PEP Troika ay naka-PHL5.7M na sa dalawang araw na showing.

Sumunod ang Cuddle Weather na naka-PHP2.6M na, PHP2M naman ang LSS, at halos PHP2M naman daw ang I’m Ellenya L.

Nakakalungkot lang na ang tatlong pelikulang pang-Centennial showcase na Circa, Lola Igna, at Pagbalik ay mukhang mmapapaagang ma-pull out sa mga sinehan.

Kaya ang iba ay ang mga ito ang gustong unahing panoorin dahil baka hindi na ito umabot ng isang linggo sa mga sinehan.

JERRY OLEA

Wagi ang mga Dalagang Panti!

Aliw na aliw ako sa paggamit ng "Dalaga" (hit song ng Allmo$t) sa pelikulang The Panti Sisters.

Bet ko rin ang mga pasiklab ni Christian na mala-Elsa sa Himala (1982), at mala-Clarisse Gargamonte sa Kaya Kong Abutin ang Langit (1984).

Para sa Noranians at Vilmanians, memorable ang titigan nina Nora (Carmi Martin) at Vilma (Rosanna Roces) na halaw sa Ikaw Ay Akin (1978).

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Magmamaganda kaya ang Pamilya Panti sa Gabi ng Parangal, Pagkilala, Pasasalamat (The PPP Awards Night and Thanksgiving Celebration) ngayong Setyembre 15, Linggo sa One Esplanade, Pasay City?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Siguradong tuwang-tuwa ang mga bida ng The Panti Sisters na sina Paolo Ballesteros, Martin del Rosario, at Christian Bables dahil sa pagtabo ng kanilang pelikula sa takilya.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results