PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Super Tekla, umaasang basbasan ni Willie Revillame ang kanyang launching movie

Super Tekla, makapag-promote kaya ng pelikula sa Wowowin?
by PEP Troika
Published Sep 17, 2019 | Updated Sep 17, 2019
Super Tekla on promoting his movie on Wowowin: “Naghahanap lang ako ng tiyempo. Once na makatiyempo ako, di ako magdadalawang-isip. Kung mabibigyan ako ng pagkakataon, bakit hindi?”
PHOTO/S: Noel Orsal

GORGY RULA

Ngayong nagsisimula nang mag-promote si Super Tekla para sa launching movie niyang Kiko en Lala, itinanong namin sa kanya kung posible siyang mag-promote sa Wowowin ni Willie Revillame.

Parang naiyak si Super Tekla nang napag-usapan namin ang tungkol kay Willie.

Iyon sana ang isa sa matagal na niyang hiling—na i-endorse ni Willie ang pelikua niya.

“Isang malaking factor si Kuya Wil, na babasbasan yung movie ko.

“Wala na siguro akong ano… parang half of my kaba, mawawala,” pakli ni Super Tekla sa mediacon ng Kiko en Lala nitong Setyembre 17, Martes, sa GMA-7.

Balak niyang sadyain si Willie para personal niyang makausap.

“Naghahanap lang ako ng tiyempo. Once na makatiyempo ako, di ako magdadalawang-isip.

“Kung mabibigyan ako ng pagkakataon, bakit hindi?” sabi pa niya.

“Alam nating lahat na yung malaking bahagi ng aking karera ay sa Wowowin.

"Kung ano man ang narating ko ngayon… kung walang Kuya Wil na nagbugbog sa akin para maging Tekla, wala ako ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I’m looking forward talaga and praying na sana, ma-touch si Kuya na kung puwede lang,” dagdag niyang pahayag.

Kaya ang mensahe niya para kay Willie, “Kuya, baka naman?

"Sana mabasbasan man lang niya ako, malaking utang na loob ko talaga yun.

“Pakiramdam ko naman. Si Kuya, madali lang suyuin 'yan, e.

"Kailangan lang ng timing talaga, kasi alam mo na hindi natin ano yung sitwasyon.

"Dapat, perfect lang yung timing."

Sa September 25 na ang showing ng Kiko en Lala.

Kaya dapat makausap na niya si Willie agad-agad para mabigyan na siya ng schedule ng guesting.

Titiyakin daw niyang hindi siya mali-late kung papayagan siyang mag-promote sa Wowowin.

NOEL FERRER

Makakatulong of course ang endorsement ni Willie Revillame sa pelikulang ito ni Super Tekla... pero hindi sapat yun!

Sana, maayos ang pelikula.

Yun ang pinakamaganda at pinakaepektibong endorsement.

JERRY OLEA

Salamat at mahuhusgahan na ang launching film ni Super Tekla, na iprinodyus ng Backyard Productions.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Noong Mayo pa ang original playdate nito, at ito sana ang comeback ng GMA Pictures (dating GMA Films).

Ang naging buena mano ng GMA Pictures ay Family History nina Dawn Zulueta.

Sa ilalim na ng Backyard itong Kiko en Lala.

Ito bang Backyard ang katumbas ng Black Sheep sa ABS-CBN?

Tampok din sa Kiko en Lala si Ai-Ai de las (bida sa kapapalabas na And Ai Thank You), at si Derrick Monasterio (leading man sa Wild & Free, na nasa Netflix na).

Makakasalpukan nito sa takilya ang #Jowable nina Kim Molina (bida sa digital movie na Momol Nights katambal si Kit Thompson) at Jerald Napoles (bida sa Mina-anud kasama si Dennis Trillo).

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Super Tekla on promoting his movie on Wowowin: “Naghahanap lang ako ng tiyempo. Once na makatiyempo ako, di ako magdadalawang-isip. Kung mabibigyan ako ng pagkakataon, bakit hindi?”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results