JERRY OLEA
Ipinagluluksa ng local showbiz ang pagpanaw ni Direk Mel Chionglo, 73, nitong Setyembre 21, Sabado.
“It’s very sad for him to pass away,” sambit ng Regal matriarch na si Lily Monteverde. “He was supposed to do a movie sa akin. Pinapasulat pa kay Ricky Lee.”
Si Mother Lily ang nagbigay ng break kay Mel Chionglo sa pagdidirek ng pelikulang Playgirl (1981) na pinagbidahan ni Gina Alajar.
Nakausap namin si Mother Lily sa birthday dinner ni Direk Joel Lamangan kagabi, sa Alba restaurant, Morato Avenue, Quezon City.
Pahayag naman ni Direk Joel, “Napakalungkot. Itiniyempo pa niya. Dapat narito siya, e... Malungkot dahil iyong barkada kong dalawa, nauna na, si Gil (Portes) saka siya. Kami ang lumalabas, kumakain parati. Wala na silang dalawa. Napakalungkot.”
Ano ang realization niya sa pagpanaw ni Direk Mel?
“Naku, Diyos ko! Pag ganitong edad na, dapat magkita-kita na tayo! Palagi tayong nagkikita dapat!” bulalas ni Direk Joel.
Kabilang pa sa mga dumalo sa birthday dinner ni Direk Joel sina Elizabeth Oropesa, Lovi Poe, Annabelle Rama, Eddie Gutierrez, Ricky Davao, Allen Dizon, Harlene Bautista, Tony Mabesa, Fanny Serrano, Bibeth Orteza, Jim Pebanco, Direk Jose Javier Reyes, Direk Manny Valera, Direk Louie Ignacio, Direk Armand Reyes, Baby Gil, Ronald Carballo, Frank Rivera, Eric Ramos, Zyruz Imperial, Raquel Villavicencio, Ms. Baby Go, at Mario Bautista.
Waley si Nora Aunor na bida sa bagong pelikula ni Direk Joel na Isa Pang Bahaghari. Hinihika raw ito.
Nakaburol ang mga labi ni Direk Mel sa Arlington Memorial Chapels, G. Araneta Avenue, Quezon City.
NOEL FERRER
Tama ka, Ka-Troikang ka-birthday ni Direk Joel!
We truly have to spend more time wth people who matter to us.
Kahit sa special staging ng Himala, Isang Musikal sa PowerMac Circuit Theater kagabi, iyan din ang pinag-usapan—ang pagkamatay ni Direk Mel Chionglo.
Halos lahat ng nandun na worshipper ni Ricky Lee at mga kaibigan nito ay nakatrabaho ni Direk Mel sa Cinemalaya (because he served as the Competition and Monitoring head.)
Kasama sa mga dumalo sa mabituing palabas kagabi ay sina John Lloyd Cruz, Bea Alonzo, Agot Isidro, Cherie Gil, Herbert Bautista, Carla Martinez. Suzette Ranillo, at napakaraming naging Cinemalaya directors and producers like Atty Joji Alonso, Dan Villegas, Eduardo Roy, Jay Altarejos, Sheron Dayoc, Benedict Mique, Ed Lejano, Paulo Villaluna, Pepe Diokno, Sarah Brakensiek, Shandi Bacolod with Mike Liwag, at napakarami pang film at TV executives and production staff with Direk Andoy Ranay and Ginny Monteagudo ng ABS-CBN.
Mabini at malumanay ang pagkaka-describe ng mga tao kay Direk Mel.
Pero sabi nga ni Ricky Lee na kaibigan at madalas ka -collaborate ni Mel Chionglo sa mga proyekto niya, “Kaysa malungkot, we celebrate Mel’s life.”
And truly, it was a life well-lived!
GORGY RULA
I’m very sad,” sabi ni Mother Lily.
Ang dami na kasing mga nakatrabaho niya na mas bata pa sa kanya di hamak na wala na.
Kaya sabi ni Mother Lily, ayaw na niya magpaka-pressure. Wala na raw samaan ng loob at kaaway. Magmahalan na lang dahil hindi mo talaga alam, baka bukas ay wala ka na.
Ini-enjoy na lang niya ang araw-araw na ginagawa niya.
Ilang beses niyang sinasabi sa mga nakaraang interview na pag nag-flop ang mga pelikula niya, okay lang daw. Hindi pa rin titigil sa pag-produce ang Regal dahil gusto niya na may trabaho lagi ang mga tao niya.
Kagaya nitong katatapos lang na Pista ng Pelikulang Pilipino, happy na raw siya na mahigit PHP10M ang kinita ng Cuddle Weather niya, at masaya siyang may iba pang pelikulang napakalakas, kagaya ng The Panti Sisters.
Dapat buhay na buhay pa rin ang movie industry, kahit ang dami nang mga haligi sa showbiz na pumanaw na.
Ngayon ay may bago na naman siyang pinu-promote, Ang Henerasyong Sumuko sa Love na magsu-showing sa October 2.