Celebs, todo-suporta sa local pork industry

Celebs mount pork boodle fight to counter African Swine Flu media scare
by PEP Troika
Sep 22, 2019
Angeline Quinto, Erik Santos, Kyle Echarri, Super Tekla, and the G Force dancers were some of the celebrities who joined the Celebrity Lechon Boodle Fiesta held last Saturday, Sept 21, at Veterans Village, Quezon City. The event aims to allay consumers' fears about pork consumption following the upsurge of incidents related to African Swine Fever.
PHOTO/S: Angeline Quinto Instagram

GORGY RULA

Dumalo sina Erik Santos, Angeline Quinto, Kyle Echarri (ng Kadenang Ginto) at ilan pang bagong talents ng Cornerstone sa Celebrity Lechon Boodle Fiesta nitong Setyembre 21, Sabado sa Multi-Purpose Covered Court ng Barangay Veterans Village, Project 7, Quezon City.

Dumating din ang Kapuso comedian na si Super Tekla na sumabay na rin sa pag-promote ng pelikula niyang Kiko en Lala na magsu-showing na sa September 25, Miyerkules.

Sabi ni Super Tekla, “Baboy lover ako, mahilig ako magluto ng baboy, saka pamilya kami ng magsasaka.

“Ang magulang ko, nag-alaga ng mga hayop, kaya sumusuporta ako sa pig farmers na apektado sa African Swine Fever.”

Mahilig din sa baboy si Angeline, lalo na sa Pasko na talagang siya raw ang nagluluto sa kanilang bahay.

“Kasi pag Pasko, ako talaga ang nagluluto sa bahay, at kailangan may lechon. Kaya kailangan talaga ng baboy,” pakli ni Angeline.

Ang Celebrity Lechon Boodle Fiesta ay in-organize ng philantrophist na si Pinky Tobiano ng Progressive Laboratories, Qualivet Testing Service Corp. at ng KPP Powers Commodities, Inc.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkaroon ng boodle fight ng lechon at ilan pang ulam na baboy para maipakitang safe pa rin daw kumain ng baboy.

“Safe naman po talaga ang kumain ng baboy. Isolated case lang po yan, na-magnify lang siguro ng mga balita.

“Kaya huwag po tayo matakot. Safe po kumain ng baboy,” pahayag ni Pinky na nanguna sa boodle fight.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NOEL FERRER

Masaya ang pagtitipon kapag magkakaisa ang lahat sa iisang layunin.

OK ang ipakita na safe ang pagkain ng pork sa gitna na isyu ng swine flu, pero mismong tagagawa ng ham ang nagsasabi na mababawasan ang gagawin nilang Christmas ham this year dahil sa swine flu.

At teka, masasabing bongga ang event dahil dumalo ang Bernard Cloma, ha!

JERRY OLEA

Hindi maku-question ang tagumpay ng nasabing boodle fight sa pagdalo ng Mega-PR na si Bernard Cloma.

“Maki-baboy! Huwag matakot!”

Pero ingat-ingat pa rin tayo sa African Swine Fever. Balitang-balita ang mga patay na baboy na itinatapon sa mga ilog.

Andiyan pa ang baboy na minolestiya ng 21-anyos na lalaki sa Sual, Pangasinan.

Inuulit ko... INGAT!!!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angeline Quinto, Erik Santos, Kyle Echarri, Super Tekla, and the G Force dancers were some of the celebrities who joined the Celebrity Lechon Boodle Fiesta held last Saturday, Sept 21, at Veterans Village, Quezon City. The event aims to allay consumers' fears about pork consumption following the upsurge of incidents related to African Swine Fever.
PHOTO/S: Angeline Quinto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results