Hero Bautista, Brazilian at Croatian models ang leading ladies sa pelikula

Bautista siblings, ipinagpapatuloy ang naumpisahan ng kanilang amang si Butch Bautista.
by PEP Troika
Sep 24, 2019
Hero Bautista on Fusion, a film where he is the director, scriptwriter, and lead star: “Well, it’s more on a culinary comedy. Hindi siya ganoon kapilyo. Merong medyo naughty scenes pero wala talagang flesh masyado."
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Nakatatlong shooting days na ang pelikulang Fusion, na “niluluto” ni Hero Bautista bilang scriptwriter, bida, at direktor.

Hindi na sina Maria Ozawa at Daiana Menezes ang leading ladies niya rito, kundi sina Marija Debelic at DJ Luane de Lima.

OK kay Hero ang dalawang seksing modelo na katambal niya—isang Brazilian at isang Croatian.

“Daiana has to leave. May pinuntahan sa abroad,” sabi ni Hero nang makausap namin sa first night ng lamay ni katotong Isah Red nitong Setyembre 22, Linggo, sa Sta. Rita de Cascia Parish Church, Philam Homes, Quezon City.

Sexy comedy ba ang Fusion? Gaano kapilyo ang mga sangkap?

“Well, it’s more on a culinary comedy. Hindi siya ganoon kapilyo.

"Merong medyo naughty scenes pero wala talagang flesh masyado," kaswal na tugon ni Hero.

“Masyado, e! Parang meron talaga? Hindi.

"Mga biki-bikini, mga traditional comedy noong araw na ganoon ang tema, pero more on culinary. At saka love triangle."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kumusta siya bilang direktor?

“OK lang. Magaan naman akong magtrabaho para masaya.”

Matagal-tagal nang nagdidirek sa TV si Hero.

Ang sister niyang si Harlene Bautista ay nakagawa ng award-winning short film.

Ang kuya niyang si Herbert Bautista ay sumailalim sa scriptwriting workshop ni Ricky Lee.

Ipinagpapatuloy nila ang nasimulan na kanilang amang actor-director, si Herminio “Butch” Bautista.

GORGY RULA

Pursigido ang magkakapatid na Herbert, Harlene, at Hero na maging active ang Heaven’s Best Entertainment para tuluy-tuloy ang trabaho ng mga taga-showbiz.

Nabanggit din ni dating Mayor Herbert na baka subukan din niya ang pagdidirek kaya isa rin ito sa dahilan kaya siya nag-workshop kay Sir Ricky Lee.

Ang nakakatuwa naman kay Hero, bukod sa pagsisilbi niya sa Quezon City, ginugol niya ang kanyang oras sa paggawa ng pelikula kesa bumalik sa dating bisyo.

NOEL FERRER

Totoo iyan, Tito Gorgy. Maganda ang work-in-progress ni Herbert sa klase namin kay Ricky Lee.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sana makaabot ito sa deadline ng submission sa independent film festivals dahil interesting ang premise at storyline niya noong prinesent niya ito sa klase namin.

Hindi madali ang konsepto niya, pero tulad ng pagiging lingkod-bayan niya, pinag-aaralan at pinagsusumikapan ito ni Herbert!

Suportado namin kung mag-Cinemalaya man siya o anumang film festival script submission ang sasalihan niya kung nagkataon.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hero Bautista on Fusion, a film where he is the director, scriptwriter, and lead star: “Well, it’s more on a culinary comedy. Hindi siya ganoon kapilyo. Merong medyo naughty scenes pero wala talagang flesh masyado."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results