Maine Mendoza at Carlo Aquino, may kissing scene ba sa Isa Pa With Feelings?

by PEP Troika
Oct 1, 2019
Maine Mendoza at Carlo Aquino, two months pinaghandaan ang kanilang sensual dance scene sa Isa Pa With Feelings.
PHOTO/S: Noel Orsal

GORGY RULA

Isa sa talagang sumusubaybay sa kuwento ng AlDub sa Eat Bulaga! ay si Bacoor Mayor Lani Mercado.

Nababanggit pa niya sa akin noon na wish niyang gumanap na nanay ni Maine Mendoza dahil fan siya ng love team nina Alden Richards at Maine.

Naging nanay na siya noon ni Alden sa Magpakailanman, kaya sana si Maine naman daw.

Natupad na ito dahil siya ang nanay ni Maine sa MMFF 2029 movie nina Vic Sotto at Maine na Mission Unstapabol.

Bait na bait si Mayor Lani kay Maine pero awang-awa siya nang naglalagare ang phenomenal star sa pelikula nila at sa Isa Pa, With Feelings na October 16 na ang showing.

May underwater scene pa si Maine sa Isa Pa, With Feelings kaya hindi ma-imagine ni Lani kung paano magagawa iyon ni Maine.

"Honestly hindi ko rin maisip kung paano ko nagawa. Pero may deadline na dapat tapusin, e," pakli ni Maine sa mediacon ng Isa Pa, With Feelings nitong Setyembre 30, Lunes sa TriNoMa Mall sa Quezon City.

Continue reading below ↓

Pagkatapos ng mediacon, dumiretso pa sila ni Carlo Aquino sa shooting dahil kinukunan pa ang ilang eksena sa naturang pelikula.

NOEL FERRER

Maganda ang premise ng pelikula. Mahusay at maganda ang track record ng direktor na si Prime Cruz.

Kapwa award-winning ang mga actor.

I look forward to a significant cinema experience sa Isa Pa, With Feelings.

At excited ako na magiging simula pa lang ito ng marami pang magagandang co-production sa mahal nating APT and nagbe-breakthrough na Black Sheep film company.

JERRY OLEA

Feel na feel namin ang sensuality sa sayaw ng CarMaine (or CarMa), sa saliw ng "Buwan" ni Juan Karlos “JK” Labajo.

Nahirapan ba silang gawin iyon?

"Kay Maine lang ako humuhugot," mabilis na tugon ni Carlo.

"Ha! Ha! Ha! Ha! Alam mo, ikaw, ang hilig mong magpasa!" sambit ng dalaga.

Dagdag ni Maine, "Two months before na nag-start kami ng shooting, nag-start na kami, ng dance workshops.

Continue reading below ↓

"And inaral na rin namin talaga yung choreo—para sa dalawang minutong sayaw, na hindi natin alam, kung nagawa ba natin!

"Pero 'yon, isa 'yon sa dapat abangan din, sa pelikula po!"

May aabangan bang intimate scenes ang moviegoers? Hanggang saan umabot?

Napakunot-noo si Maine, "Parang holding hands lang po. Parang doon lang umabot."

May kissing scene ba? "Beso lang yung naalala ko," sansala ni Maine.

"Mga papalu-palo, gano'n lang," napapangiting sundot ni Carlo.

Dugtong ni Maine, "Iyon na lang po muna ang masasabi namin ngayon!"

Oo nga... baka kukunan pa lang iyong eksenang lampas sa hawak-kamay at pagpalu-palo!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maine Mendoza at Carlo Aquino, two months pinaghandaan ang kanilang sensual dance scene sa Isa Pa With Feelings.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results