Ogie Alcasid, sold-out ang concert kasama ang TNT hurados at winners

by PEP Troika
Oct 2, 2019
Ogie Alcasid, masayang ibinalita na masusundan agad ng take two ang nalalapit na Ogie and the Hurados concert. Makakasama niya rito sina Rey Valera, K Brosas, Zsa Zsa Padilla, Randy Santiago, Karla Estrada, Karylle, at Jed Madella.
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Pagkatapos ng nag-trending na "Huling Tapatan ng Tawag ng Tanghalan" noong September 28, Sabado, magpe-perform sa isang concert ang top three winners na sina Elaine Duran, John Mark Saga, at John Michael de la Cerna.

Kasama sila sa special guests ni Ogie Alcasid sa concert niyang Ogie and the Hurados sa October 10 sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila.

Kasama ni Ogie rito ang mga kapwa hurados ng "Tawag Ng Tanghalan" o "TNT" na sina Rey Valera, Zsa Zsa Padilla, Karylle, Jed Madela, Randy Santiago, K Brosas, at Karla Estrada.

Natutuwang ikinuwento sa amin ni Ogie nitong October 1, Martes, na pa-sold out na ang tickets kaya in-announce na raw ng Resorts World na magkakaroon ng repeat sa November 8.

Sa pakikipagtsikahan ng PEP Troika sa singer-songwriter, aminado siyang magagaling talaga ang finalists ngayon ng "TNT" at ang iba raw ay mas magaling pa sa kanilang mga hurado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"There's always someone better than you. Especially as you get older.

"The younger ones… you know it's a young man's game.

"We are happy na kaming mga hurado are given the privilege and get to know these young singers.

"I'm very proud of all of them. I hope they will become superstars," pahayag ni Ogie.

Sa Top 6 finalists, nakikita niyang malayo ang mararating ng batang finalist na si Shaina Mae Allaga.

"I think she has that charm; she’s young. It’s hard to get that combination—the superstar quality,” pakli ni Ogie.

Masaya rin sila para kay John Mark Saga nang mag-out ito ng tunay niyang sexual preference.

Feeling niya, para siyang tatay ni John Mark na masayang-masaya sa ginawa nito noong finals.

"Si John Mark kasi, we've seen him from the beginning. Natalo na iyan, e.

"For him to reach that point and become, 'Wow!' Sobrang galing, nakaka-proud. I was so emotional.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Para akong tatay niya. He’s a nice kid," sabi pa ni Ogie.

NOEL FERRER

Kayhuhusay ng "TNT" finalists, at maganda na kasama sila sa concert ni Ogie.

Actually, maganda sanang itanong kung bakit sa total judges votes, hindi si Elaine Duran ang nagwagi kundi si John Mark Saga. Interesting, di ba?

But as it goes, hindi ang pagkapanalo ang be-all and end-all ng lahat!

Magandang abangan ang bawat performance nila, pati na rito sa Resorts World Concert ni Ogie.

JERRY OLEA

More and more ang mga concert. Sold out ang M.E. and U concert nina Maymay Entrata at Edward Barber noong Setyembre 27, Biyernes, sa New Frontier Theater, Quezon City.

Noong Setyembre 28, Sabado, ginanap ang HUEniverse music fest sa Filinvest City Events Grounds ng Alabang, Muntinlupa City.

Nagpakitang gilas dito si Moira at ang Allmo$t.

Ngayong Oktubre 3, Huwebes, 7 P.M., ang glorious concert ng 72-anyos na si Gloria Gaynor sa Grand Ballroom ng Okada Manila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hopefully, dadagsa rito ang mga bading na gustong mapanood ang live performance ni Gloria ng "I Will Survive" at "I Am What I Am."

Nakatakda sa Oktubre 11, 12, 13, 18, 19, at 20 ang 2nd Pinoy Playlist Music Festival (PPMF) sa tatlong venue ng BGC Arts Center ng Taguig City.

Suportado ba ito ni Ogie bilang presidente ng Organisasyon ng mga Pilipinong Mang-aawit (OPM)?

Mahigit 100 ang artists sa PPMF 2019 kabilang ang tambalan nina Martin Nievera at Louie Ocampo pati na sina Basil Valdez, Bayang Barrios, Ebe Dancel, Ricky Davao, at Joanna Ampil.

Naroon din sina Baihana, Fe de los Reyes, Jon Santos, Nanette Inventor, Mitch Valdes, Henry Katindig, John Lesaca, Mojofly, Top Suzara, Bandurias, Itchyworms, Flying Ipis, Pinopela, at Acapellago.

Bahagi rin ng PPMF ang mga tambalang Jim Paredes at Boboy Garrovillo, Bugoy Drilon at Daryl Ong, Joey at Clara Benin, at sina Joey at Mike Chan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sina Kris Lawrence, Noel Cabangon, Nar Cabico, Imago, The Company, Tim Pavino, Gerphil Flores, Truefaith, at Rannie Raymundo ay dapat ding abangan sa music fest.

May performance din ang GMA Artists (Princess Velasco, Golden Cañedo, Jong Madaliday, at Garrett Bolden), ABS-CBN Chamber Orchestra, 4th Impact, Bullet Dumas, Ciudad, Color It Red, Guji Lorenzana, Sabu, Monolog, Nancy Brew, Mandaluyong Children’s Choir, Ryan Cayabyab Singers, Ateneo Chamber Singers, at napakarami pang iba.

Ang benefit concert para kay Michael “Eagle” Riggs na Help Eagle Fly Again ay nakatakda sa Oktubre 13 sa Che’lu Bar sa M. Orosa Street corner J. Nakpil Street sa Malate, Manila.

Kabilang sa guest performers dito sina Ivy Violan, Inday Garutay, at Jeremiah.

Ang kapana-panabik na Iconic concert nina Sharon Cuneta at Regine Velasquez, magpapayanig sa Oktubre 18 at 19 sa Araneta Coliseum, Quezon City.

Ang 45th anniversary concert ni Imelda Papin na Imelda Papin Queen @ 45 ay magpapasiklab sa Oktubre 26, Sabado, sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ogie Alcasid, masayang ibinalita na masusundan agad ng take two ang nalalapit na Ogie and the Hurados concert. Makakasama niya rito sina Rey Valera, K Brosas, Zsa Zsa Padilla, Randy Santiago, Karla Estrada, Karylle, at Jed Madella.
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results