Klea Pineda, tinawanan ang lesbian issue; Jeric Gonzales, nalampasan ang video scandal

by PEP Troika
Oct 2, 2019
Kapuso stars Klea Pineda at Jeric Gonzales, mas pinagtibay raw ng kani-kaniyang matinding intrigang ibinato sa kanila noon.
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Ibabalik ng GMA-7 ang tambalang Jeric Gonzales at Klea Pineda o KleRic sa bagong afternoon drama na Magkaagaw.

Una silang nagsama sa Ika-5 Utos at aminado silang dalawa na hindi sila gaanong naging close noon.

Pero ngayon ay mas okay ang samahan nila, lalo na’t halos araw-araw ay magkasama sila.

Nang nakausap silang dalawa ng PEP Troika sa Via Mare nitong Oktubre 2, Miyerkules, sinagot nila ang mga intrigang kinasangkutan nila.

Nagpapasalamat si Jeric na nalagpasan niya ang pinakamatinding isyu ng "batibot" video scandal na kinasangkutan niya.

Hindi raw niya alam kung paano niya nalagpasan yun.

"For me, hindi ko rin alam kung papaano ko siya na-handle.

"Pero siguro, I’m made for this, kasi nakayanan ko naman lahat yun. Nandito pa rin ako.

"Para sa akin, kung ano man yung mga yun, parang kasama siya sa journey ko rito.

"Parang struggle siya, pero 'eto na ako ngayon.

Continue reading below ↓

"Okay na ako, mas nag-grow na ako. Yun ang importante," pahayag ni Jeric.

Si Klea naman ay nagulat sa isyung pinagdudahan ang pagkababae niya.

Nagsimula lang noon sa blind item, at hindi rin siya nakaligtas sa intrigang miyembro siya ng LGBT community.

Natawa na lang ang StarStruck 6 Ultimate Female Survivor, dahil nakarating din sa kanya ang ganung tsismis.

"May isyu nga po 'yan. Kasi ako, ever since, hindi talaga ako may pagka-girly. Pili lang yung days na nag-high heels ako.

"Aminin ko, may pagka-boyish ako. Kasi, mahilig ako sa motorbikes.

"Yung mga hobbies na gusto ko, panlalaki—car racing—mas challenging siya for me.

"Siguro nagkaroon ng ano yung mga tao na ganun, kasi, 'Siguro kaya yun ang hilig ni Klea, kasi ganun siya.'

"E, come on, guys, anong year na ngayon? Ilang months na lang, 2020 na, tapos iyon pa rin ang tingin ng mga tao," napapangiti niyang sagot sa amin.

Continue reading below ↓

Ang bilis ng sagot niyang "Oo naman!" nang sinundan ko siya ng tanong kung boys ba ang gusto niya.

"Parang tough kasi ang tingin nila sa akin, 'tapos matangkad pa ako. Iyong features ko, medyo sharp.

"Iyon nga ang napapansin sa akin ng mga tao," dagdag niyang pahayag.

Kaya nagkakasundo silang dalawa ni Jeric dahil pareho silang mahilig mag-motor.

Sa totoo lang, isa sa pangarap ni Klea ay maging beauty queen at pinaghahandaan daw niya ito.

Twenty pa lang siya kaya may sapat na panahon pa siyang paghandaan ang sarili bago sumali sa national beauty pageant.

NOEL FERRER

Mukhang mabait ang dalawang ito.

At sa mapagpalang kamay ni Joe Barrameda, parang na-navigate nang maayos ni Jeric ang showbiz.

Sana, mag-excel sila sa bagong teledrama nila.

Sana, may major co-stars silang mai-inspire sila to achieve more and do better. Good luck!

JERRY OLEA

Andaming Pinoy male celebs na may scandalicious videos! Parang hindi na iyon big deal.

Continue reading below ↓

Naalala ko tuloy ang isang not-so-young actor na inusisa ko sa presscon ng isang entry sa 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino last year.

Ipinaliwanag niya ang pangyayari sa video niya ng pagsasariling-sikap.

Nang mapansin ni not-so-young actor na inire-record ko ang tsikahan ay parang nagulat pa siya.

Hindi ko na isinulat ang pag-amin at paliwanag niya.

Nagbida na ang not-so-young actor sa isang indie movie, ngunit hanggang ngayon ay starlet pa rin ang status niya sa showbiz. One of those, ika nga.

Ang recent na may mahalay na video, si Xian Gaza. Kaniig niya ang isang gandarang banyaga.

Inamin agad iyon ni Xian at ipinaliwanag sa YouTube. Hindi na lumaki ang isyu.

Sa usaping lengua estofada, hindi lang si Klea ang naintriga. Marami sila. Bahagi iyan ng pag-aartista.

May kasabihan, "If you can’t stand the heat, get out of the kitchen."

Ngayong nagbibida na sina Klea at Jeric, malamang sa alamang na may darating pang maiinit na intriga sa kanila.

Continue reading below ↓

Ang mga ganoong pangyayari ay maaaring lalong magpainit ng kani-kanyang bituin.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso stars Klea Pineda at Jeric Gonzales, mas pinagtibay raw ng kani-kaniyang matinding intrigang ibinato sa kanila noon.
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results