Mga pelikulang bida ang Kapamilya at Kapuso stars, patok sa takilya

by PEP Troika
Oct 3, 2019

JERRY OLEA

Wagi sa takilya ang mga pelikula ng ABS-CBN kung saan kumbinasyon ng Kapamilya at Kapuso ang mga bida.

Hulyo 31, itinanghal ang Hello, Love, Goodbye na bida sina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Lampas PHP900M na ang worldwide gross ng KathDen movie, ayon sa isang insider ng Star Cinema.

Ito ang highest-grossing Filipino film of all time (hindi adjusted sa inflation).

Setyembre 13, nag-open ang The Panti Sisters nina Paolo Ballesteros, Christian Bables, at Martin del Rosario bilang isa sa 10 official entries ng 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino.

Runaway winner ito sa takilya.

Fourth week na sa mga sinehan. Ito lang sa PPP3 entries ang matibay.

Oktubre 16, magpapakitang-gilas ang Isa Pa With Feelings nina Carlo Aquino at Maine Mendoza.

Two weeks bago lumabas ang official teaser nito, kasado na ang 60+ block screenings na in-organize ng fans ni Maine.

“Soon in cinemas” ang supernatural horror na Hellcome Home na bida si Dennis Trillo, kasama sina Beauty Gonzalez, Raymond Bagatsing, at Alyssa Muhlach.

Continue reading below ↓

May pasiklab na ito sa YouTube.

NOEL FERRER

As expected, matumal ang pagpunta ng mga tao sa mga sinehan ngayon.

Halos maka-PHP600K ang first-day gross ng Ang Henerasyong Sumuko Sa Love nang mag-open nitong Oktubre 2, Miyerkules.

Ang kasabay nitong Edward ay spaghetting downward pa talaga!!!

Sana, makabawi-bawi ang mga ito sa weekend at huwag basta-basta mapabilang sa mga pelikulang sumuko sa takilya.

Ano kaya ang pinag-iipunan ng pera ng moviegoers—si Kyline Alcantara sa Black Lipstick? Ang QCinema entries? O ang Carlo-Maine movie na Isa Pa With Feelings?

Good luck sa mga lalaban pa sa box office!

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Malalaman natin this weekend kung may fighting spirit pa sa takilya ang Ang Henerasyong Sumuko sa Love.

Unfortunately, hindi maganda ang kinalabasan ng Edward kahit Graded A ito ng Cinema Evaluation Board.

Sa publicity thrust ng Henerasyong Sumuko, “The Best Pinoy Barkada Movie” raw ito kaya abangan natin bukas hanggang Linggo kung magkakabarkada ang manonood.

Nananalig ang isa sa mga bidang si Tony Labrusc na makaka-relate dito ang mga kabataan.

Pang-millennials daw ang pelikula na idinirek ng millennial director na si Jason Paul Laxamana.

Hirit niya, “If the millennials will watch this film, they will learn more about themselves.

“At yung ibang generation naman, I think, maiintindihan nila ang millennials kapag napanood nila ang pelikula.”

Kung hindi pa umangat-angat ang Edward, baka hindi na ito umabot sa weekend.

Kaya sana, panoorin na ang Edward dahil matino ang pelikulang ito para matanto nila ang nangyayari sa ilang government hospitals natin.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results