Barbie Forteza, crush pa rin si Dennis Trillo; Jak Roberto, crush naman si Jennylyn Mercado

by PEP Troika
Oct 4, 2019
Nagkakaintindihan daw ang magkasintahang sina Barbie Forteza at Jak Roberto (kaliwa) dahil crush nila ang magkasintahan ding sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo (kanan).
PHOTO/S: Gorgy Rula / Instagram

GORGY RULA

Two years and five months na pala ang relasyon nina Jak Roberto at Barbie Forteza, pero hindi pa rin daw nawawala ang pagka-crush ni Barbie kay Dennis Trillo.

Ikinuwento ng magkasintahan sa pocket presscon ng Wagas episode nilang Wait Lang… Is This Love? na sobrang kampante na sila sa kanilang relasyon.

Minsan, nagugulat na lang si Jak, ang picture pa ni Dennis ang nakikita niya at hindi ang litrato niya.

“Hinihiram ko yung laptop niya, e. Nag-edit ako minsan, pagkakuha ko yung mousepad, si Dennis.

“Ano ‘to! Paliwanag mo ‘to!” natatawang kuwento ni Jak.

“Crush lang naman talaga, e. Idol, ganun,” depensa ni Barbie.

Hindi isyu sa kanilang relasyon ang pagka-crush ni Barbie kay Dennis.

Dahil si Jak naman pala ay si Jennylyn Mercado ang crush.

“Medyo nagkaintindihan kami sa part na yun, kasi crush ko si Dennis, crush niya si Jennylyn. Patas lang,” hirit ni Barbie.

Continue reading below ↓

Ngayong sila ang bida sa episode ng Wagas, sinasabi nilang wagas na rin ang kanilang pag-iibigan.

“Araw-araw naman po, e,” pakli ni Jak.

Sabi naman ni Barbie, “Ever since nung approved siya sa parents ko, sabi ko sa sarili ko na wala na akong magiging problema rito.”

Nagulat ang magkasintahan nang ibinalita sa kanila ni Arniel Serato ng PEP.ph na World Boyfriend Day daw nitong October 3, Huwebes.

Kaya binati naman ni Barbie si Jak ng Happy World Boyfriend Day.

Napapanood na sa Wagas ang Wait Lang… Is This Love? episode nina Barbie at Jak, mula Lunes hanggang Biyernes, bago mag-Eat Bulaga.

NOEL FERRER

You are at your best kung tama ang relasyon.

Sana, bukod sa usaping personal, mag-transition na si Barbie sa pagganap ng significant roles.

I maintain na isa siya sa pinakamahusay na batang artista ngayon.

Kailangan lang ni Barbie na ma-push ang kanyang next moves para matuloy ang potential niya bilang isang compleat artist.

Continue reading below ↓

Go, go, go, Barbie!

JERRY OLEA

Masaya sina Barbie at Jak sa kanilang relasyon. Kuntento na rin siguro sila sa estado ng kani-kanyang career.

Kung saan man humantong ang pagmamahalan nilang wagas, maligaya ako para sa kanila.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagkakaintindihan daw ang magkasintahang sina Barbie Forteza at Jak Roberto (kaliwa) dahil crush nila ang magkasintahan ding sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo (kanan).
PHOTO/S: Gorgy Rula / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results