"I Will Survive" singer Gloria Gaynor, humahataw pa rin kahit 72 na

by PEP Troika
Oct 4, 2019
American singer Gloria Gaynor staged a very successful concert, An Evening With Gloria Gaynor, at the grand ballroom of Okada Hotel-Manila, Thursday night, October 3. The concert was produced by former actor Joed Serrano.
PHOTO/S: Facebook

JERRY OLEA

Dinumog ang concert na An Evening With Gloria Gaynor nitong Oktubre 3, Huwebes ng gabi, sa grand ballroom ng Okada Hotel-Manila.

Yayamanin ang tiket para sa sit-down dinner.

Kung hindi ako nagkakamali, 72 ang mesa sa grand ballroom, at bawat mesa ay may sampung upuan.

Marami-rami rin ang nag-avail ng medyo murang tiket na walang kasamang hapunan.

Tumagal ng halos isang oras at kalahati ang glorious concert, mula overture hanggang encore, kung saan labing-apat ang kinanta ni Gloria.

Sa edad na 72 ay paindak-indak pa siya, huh?!

Siyempre pa, pinakahihintay ang finale (13th song) niyang "I Will Survive," kung saan nagtayuan ang halos lahat... sumasayaw, nakiki-sing along at/o nagbi-video!

Hindi nagpaawat ang katotong Rommel Placente, umakyat sa entablado at naki-sing along kay Gloria kahit sintunado.

Ayun, sa sobrang excitement ni Rommel ay naiwan niya sa Okada ang charger ng kanyang cell phone.

Hindi gaanong naka-relate ang audience sa tatlong gospel songs ni Gloria.

Continue reading below ↓

Maliban sa "I Will Survive," wagi ang rendition niya ng "I Am What I Am" (3rd song), "Killing Me Softly With His Song" (8th song), at "Last Dance" (12th song).

Inimbitahan ng producer na si Joed Serrano aka Mr. P si Maricel Soriano para manood ng concert, pero hindi ito dumating.

Identified kay Marya ang" I Am What I Am" na madalas niyang sayawin noong 1980s.

GORGY RULA

Hindi ko na maalala kung anong taon yun na meron dapat concert dito si Gloria Gaynor, pero hindi natuloy dahil nagkaproblema sa producer.

Mabuti at natuloy na ito ngayon na kahit mamahalin ang tickets, kayang-kaya ito ng mga mayayaman niyang fans.

Dapat sinuportahan ito nang bonggang-bongga ng LGBTQIA community dahil anthem nila ang "I Will Survive" at "I Am What I Am," di ba?

NOEL FERRER

Bagamat ibang GLORIA na ang naabutan ko—narinig ko pa rin ang revivals ng "I Am What I Am" ni Marya at "I Willl Survive" na ginawang pelikula ni Direk Joel Lamangan sa Regal noon!

Continue reading below ↓

Teka, sana nga, kahit maraming pinagdaraanan, maging healthy at ma-survive pa rin ng Rainbow’s Sunset stars ang kanilang health challenges.

Nauna na si Tito Eddie Garcia, sana naman ay patuloy na ang mabuting kalagayan ni Tita Gloria Romero (isa pang Gloria ito!) at si Sir Tony Mabesa!

JERRY OLEA

Nainterbyu ng katotong Melba Llanera si Gloria Gaynor bago ito sumalang sa entablado.

1975 daw unang nag-show sa Pilipinas si Gloria, bago pa niya kantahin ang "I Will Survive" noong 1979.

Kinumusta ko kay Joed Serrano ang pakikipag-deal niya kay Gloria.

“OK naman si Lola Gloria,” nakangiting sagot ni Joed.

“Actually, hindi ko ine-expect na ganoon siya kagaling pa.

"Napakabait niya kanina. Tinawag ko siyang ‘Mother.’

“Tuwang-tuwa! Sabi ko, ‘Mother, I have so many friends who want to have a picture with you.’ Bongga siya!”

Hindi nag-attitude si Gloria. Hindi nagdiva-diva-han.

“Siguro, nalokah siya sa ‘Mother’! Sabi ko kanina, ‘Mother, I am Mr. P. I am your producer. I used to be an actor.’ Nalokah siya.”

Continue reading below ↓

Nagpasalamat si Joed sa mga nanood sa matagumpay na concert ni Gloria.

Si Joed din ang producer na concert ni Engelbert Humperdinck sa Nobyembre 12 sa New Frontier Theater, Araneta City, QC; maging sa concert ng Boyz II Men sa Disyembre 12 sa Resorts World Manila.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
American singer Gloria Gaynor staged a very successful concert, An Evening With Gloria Gaynor, at the grand ballroom of Okada Hotel-Manila, Thursday night, October 3. The concert was produced by former actor Joed Serrano.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results