Sarah Lahbati at Richard Gutierrez, ikakasal na sa Marso 2020

by PEP Troika
Oct 6, 2019
Sarah Lahbati and Richard Gutierrez's wedding has been finalized for March 2020 here in the Philippines.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Old School Romance ang theme ng kasal nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati sa Marso 2020 dito sa Pilipinas.

Inihayag ito nina Chard at Sarah sa mediacon ngayong Linggo, Oktubre 6, sa 9501 Restaurant, ELJCC Bldg., ABS-CBN Compound.

Bago mag-mediacon ay galing sila sa ASAP Natin ‘To kung saan may pasiklab na “Valentine’s in October.”

Nagpasalamat si Sarah sa pagkanta nina Martin Nievera, Ogie Alcasid, Moira at Jason.

“It felt like a wedding kanina!” masayang sambit ni Sarah.

Nagkamabutihan sina Richard at Sarah nang magkatrabaho sila sa 2012 Kapuso teleserye na Makapiling Kang Muli.

2017 nag-propose si Richard nang mag-hiking sila ni Sarah sa Switzerland.

Hindi agad nila naiplano ang kasal dahil dumating ang alok kay Richard na mag-La Luna Sangre, at nagdalantao si Sarah ng ikalawa nilang baby na si Kai.

Meaningful ang Marso para sa kanila, kaya sa buwang ito nila plinano ang kasal.

Siyempre, may participation na sa bridal entourage ang mga anak nila na sina Zion at Kai—at kasama ang dalawa hanggang honeymoon.

Continue reading below ↓

Ire-reveal nila ang details ng kanilang kasal sa iba’t ibang platform ng Kapamilya Network.

GORGY RULA

Hindi mo talaga masabi ang kapalaran ng tao.

Nasa StarStruck pa lang noon si Sarah Lahbati, sinasabi niyang crush niya ang Kapuso actor na si Richard Gutierrez at siya raw sana ang una niyang makasama sa isang show pagkatapos ng talent-reality search na iyun.

Nangyari namang napasama siya sa cast ng Makapiling Kang Muli.

Doon nabuo ang kanilang pag-iibigan hanggang sa nakarating na sila sa Kapamilya network.

Curious ako kung may taga-Kapuso network kayang mapapasama sa entourage ng kanilang kasal.

Malaking bahagi ang GMA-7 sa kanilang buhay at career.

NOEL FERRER

I know, may bagong teleserye at pelikula rin si Richard sa ABS-CBN. Meron sa mga projects na ito, nakakasama niya si Bea Alonzo.

Tampok din si Richard sa nakakakilig na episode ng MMK sa Oktubre 12, katambal si Elisse Joson.

Good luck at sana, lalo pa nilang mabigyan ng direksyon ang buhay propesyunal at personal nila ni Sarah, ngayong malapit na silang mabigyan ng basbas ng Simbahan!

Continue reading below ↓

Congratulations, Chard & Sarah!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sarah Lahbati and Richard Gutierrez's wedding has been finalized for March 2020 here in the Philippines.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results