Tony Mabesa, nakatakdang i-cremate sa October 9

by PEP Troika
Oct 6, 2019
Nakalagak ang mga labi ng yumaong theater/TV/film actor na si Tony Mabesa sa Arlington Memorial Chapels & Crematory sa Araneta Avenue, Quezon City.
PHOTO/S: Jerry Olea / Facebook

JERRY OLEA

Nakaburol ang mga labi ni Antonio Ocampo Mabesa (Enero 27, 1935-Oktubre 4, 2019), mas kilala bilang Tony Mabesa, sa Arlington Memorial Chapels & Crematory sa Araneta Avenue, Quezon City.

Sa dinami-rami ng wreaths of flower na umabot hanggang labas ng chapel, tatlo ang nakapuwesto sa harapan, kahilera ng ataul.

Nasa bandang ulunan ang wreaths of flower mula kay Direk Joel Lamangan, at sa Heaven’s Best Entertainment.

Nasa bandang paanan ang korona ng mga bulaklak mula kay Harlene Bautista.

Iprinodyus ni Harlene through Heaven’s Best ang pelikulang Rainbow’s Sunset para sa ninong niyang si Sir Tony.

Ang nagdirek siyempre ay si Direk Joel, na suki si Sir Tony sa kanyang mga pelikula at birthday parties.

Buddy-buddy sina Sir Tony at Direk Joel sa panonood ng sine.

Nag-best supporting actor si Sir Tony sa MMFF 2018 last December para sa nasabing movie.

At kapwa best actor sila ng co-star na si Eddie Garcia sa 42nd Worldfest Houston Film Festival noong Abril 2018 sa Houston, Texas.

Continue reading below ↓

At any rate, SRO (Standing Room Only) ang misa nitong Oktubre 6, Linggo ng 6 P.M.

Habang nagkokomunyon ay ipinamigay ang kopya ng novena prayer para kay Sir Tony, na binasa matapos ang misa.

Nagkaroon ng dinner break, at kapagkuwan ay pinagpugayan si Sir Tony ng mga naging estudyante at katrabaho sa teatro ng UP Diliman.

Ang cremation ng mga labi ni Sir Tony ay nakatakda sa Oktubre 9, Miyerkules, 12 P.M. sa Arlington Crematory.

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Kanina sa ASAP Natin ‘To ay binigyan nila ng tribute sina Tony Mabesa at Amalia Fuentes.

Kinanta nina Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid, Moira dela Torre, Yeng Constantino, JM de Guzman, Daniel Ombao, at Carlo Aquino ang "Paglisan."

Medyo nalito pa si JM sa linyang kinanta niya, pero kay Carlo naka- focus ang camera.

Pero nakeri naman nila at nairaos ang number na yun.

Ang mahalaga, nagbigay sila ng alaala sa iginagalang na mga alagad ng sining na sina Tony at Amalia.

NOEL FERRER

Nakaka-touch ang nakita kong pagkakaisa ng pamilya at mga estudyante ni Tony na nag-asikaso sa kanya sa kanyang mga huling sandali sa mundo.

Kakatwa rin na nataon sa pagtatapos ng Teachers’ Day Celebration ang pagpanaw ni Sir Tony.

What a way to go, kasama niya ang mga taong itinuring niyang pamilya sa pelikula at teatro!

Ngayon, magkasama na talaga sila ni Tito Eddie Garcia!

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakalagak ang mga labi ng yumaong theater/TV/film actor na si Tony Mabesa sa Arlington Memorial Chapels & Crematory sa Araneta Avenue, Quezon City.
PHOTO/S: Jerry Olea / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results