Almira Muhlach, mabait na madrasta sa mga anak ng kanyang partner

by PEP Troika
Oct 7, 2019
Almira Muhlach, proud na solong naigapang ang pagtatapos sa pag-aaral ng kanilang anak ng dating asawa na si Bong Alvarez.
PHOTO/S: Noel Orsal

GORGY RULA

Magsisimula ang Kapuso teledramang Madrasta ngayong Oktubre 7, Lunes ng hapon, pagkatapos ng Prima Donnas.

Kasama sa afternoon drama na ito si Almira Muhlach, na sa totoong buhay ay isang stepmother.

Pero mabait daw siyang tipo ng madrasta.

Isang businessman ang partner ni Almira na mayroon na ring anak. Magkakasundo sila pati ng tatlong anak ng aktres kay Bong Alvarez.

“We are a blended family. I have my own kids, meron din siyang anak.

"Okay naman kami. Possible naman, e,” pakli ni Almira nang nakatsikahan namin sa mediacon ng Madrasta.

Kahit ang mga anak ni Almira ay close din sa kanilang madrasta na asawa naman ni Bong Alvarez.

“I’ve never met her, but she’s very nice to my children.

“My children are very close to her. They talk on the phone when she goes abroad,” sabi pa ni Almira.

Napaka-protective niya sa kanyang mga anak, kaya hindi niya ia-allow na api-apihin ang mga ito ng kanilang madrasta.

Continue reading below ↓

“Hindi naman puwede. Baka gusto niya, magkagiyera, lumabas ang pagka-Amalia Fuentes ko!

“Wala lang chance na mag-meet dahil nga… hindi kami magkaaway ni Bong, pero hindi rin kami magkabati.

"Alam mo yung nasa gitna, no communication.

“Hindi ko naman tatanggalin na tatay pa rin siya ng mga anak ko, pero nasa akin ang mga anak ko,” pahayag ni Almira, na noong nakausap namin sa mediacon ay buhay pa ang tiyahin niyang si Amalia.

Proud si Almira sa mga anak niya kay Bong dahil nakapagtapos sila ng pag-aaral na solo niyang iginapang.

“Ang importante kasi, naging maayos ang mga anak ko. Naging maayos ang buhay nila.

"Yung eldest ko, nag-aartista na rin. Yung second ko, nagdu-doctor; yung third ko, graduate na.

“That’s what I like about my children kasi sinuklian nila yung dugo at pawis.

"Sinuklian nila yun ng pag-aaral nang mabuti. Magna Cum Laude yung bunso ko,” pagmamalaki ni Almira.

Continue reading below ↓

Ang panganay niyang anak si Alyssa Muhlach ay okay raw ang showbiz career.

Ang pangalawa niya ay sa FEU nag-aaral ng Medicine, at kaga-graduate lang daw ng bunso niya ng kursong Entrepreneurial Management sa University of Asia and the Pacific.

NOEL FERRER

Hindi ko masyadong kilala si Almira Muhlach. Nag-That’s Entertainment ba siya?

If ever, sana, ngayong nagso-showbiz na naman siya, tumatak siyang lalo.

Sino ba ang mas ka-stature ni Almira—si Vivian Foz ba o si Opalyn Forster?

Or kung mas bata, si Roxanne Guinoo o si Lindsay Custodio? Educate me please...

Pero in fairness, kahawig ni Almira si Kyline Alcantara. Keri na gumanap silang mag-ina.

JERRY OLEA

Markado ang papel ni Almira sa Madrasta bilang ina ni Thea Toldntino. Mag-ina silang kontrabida!

Bait-baitan sa Madrasta sina Gladys Reyes (bilang ina ni Juancho Trivino) at Manilyn Reynes (bilang ina ni Arra San Agustin).

Malay mo, malay ko, malay nating lahat... maging ka-level ni Almira si Dani Girl (Dimples Romana) ng Kadenang Ginto?!

Continue reading below ↓

Siyanga pala, ayon kay John Lapus na co-director sa Kadenang Ginto, hanggang Pebrero 2020 pa ang nasabing panghapong teleserye ng ABS-CBN.

Nakausap ko si Direk Sweet nitong Oktubre 6, Linggo ng gabi, sa lamay ni Tony Mabesa sa Arlington Memorial Chapels, Araneta Avenue, Quezon City.

Sabi ko kay Direk Sweet, sana’y magdirek uli siya ng movie, preferably bida ang Gold Squad (Francine Diaz, Andrea Brillantes, Seth Fedelin, and Kyle Echarri).

Ani Direk Sweet, hindi pa niya kakayanin sa ngayon sa sobrang hectic ng schedule niya!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Almira Muhlach, proud na solong naigapang ang pagtatapos sa pag-aaral ng kanilang anak ng dating asawa na si Bong Alvarez.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results