Barbie Forteza, biniro si Jak Roberto na sa Balesin niya gustong ikasal

by PEP Troika
Oct 7, 2019
Barbie Forteza teases boyfriend Jak Roberto about her preferred venue for their wedding in the future: “Ayan, iiyak na 'yan! Sige na nga, okay na ako sa garden kahit sa gazebo ng GMA.”
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Umayon si Barbie Forteza sa pakiusap ni Anne Curtis sa media na kung puwede, huwag na silang tanungin kung kailan mabubuntis o kailan pakakasal.

Para sa kanila, masyado nang personal iyon.

At kahit malapit sila sa movie press, may mga bagay na puwedeng sa kanila na lang muna. Hindi raw nila ito itatago kung sakali.

Sabi ni Barbie, “Kahit we’re friends with the press, may limits talaga na dapat sundin.

“Siyempre, kahit papa'no, tao rin kami na may mga tanong na medyo sensitive para sa amin, maybe because we’re going through something, ganyan.

“May questions na medyo sensitive sa mga kanya-kanyang concerns.

"Pero sa akin personally, hindi ko rin po kasi gets na bakit kailangang tanungin.

“Kung may plans, malalaman at malalaman din naman po yun.

"Kung mabubuntis, malalaman at malalaman din po yun, no need to ask.”

Continue reading below ↓

Pagkatapos ng sinabing iyon ni Barbie sa pocket presscon nila ni Jak Roberto para sa Wagas, pabiro pa rin silang tinanong kung kailan ba sila pakakasal.

“I think, kailangan ko pa ng PHP20M!” bulalas ni Barbie.

“Siyempre, Balesin, mga ganun,” sabi niya sabay lingon kay Jak, na parang nabibigla sa mga sinasabi niya.

“Ayan, iiyak na 'yan! Sige na nga, okay na ako sa garden, kahit sa gazebo ng GMA,” kantiyaw ni Barbie kay Jak.

Ang episode nina Barbie at Jak na Wait Lang… Is This Love? ang napapanood ngayon sa Wagas bago mag-Eat Bulaga!

JERRY OLEA

Naalala ko muli ang kasabihang, “If you can’t stand the heat, get out of the kitchen.”

Lumitaw rin sa aking kukote, “Be careful what you wish for, you might get it.”

Small price to pay ang pangungulit ng mga showbiz reporter kaugnay sa pag-aasawa at pagbubuntis kung nagtatamasa ka ng laksa-laksang biyaya.

Continue reading below ↓

Puwedeng ipagkibit-balikat mo na lang ang mga iyon at huwag bigyan ng halaga, lalo pa’t napakarami ng puwede mong pagtuunan ng pansin.

Be creative! Be artistic! Enjoy life! Improve yourself!

Pasadahan mo ang “List of Hobbies” sa Wikipedia. Siguro naman, sa dami niyon ay may mapupusuan ka!

NOEL FERRER

Bago ang pagpapakasal kay Jak Roberto, ang mas bongga pang career ang panalangin ko kay Barbie dahil naniniwala ako sa kanyang pagka-aktres!

Sana, makatagpo si Barbie ng project na mag-e-elevate sa kanyang status as an actress talaga.

At sana makahanap rin siya ng isang acting partner na masasabayan o mas matutulungan pa siya para lumevel up ang kanyang pagiging premyadong artista! Sana!!!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Barbie Forteza teases boyfriend Jak Roberto about her preferred venue for their wedding in the future: “Ayan, iiyak na 'yan! Sige na nga, okay na ako sa garden kahit sa gazebo ng GMA.”
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results