Mga taga-showbiz, naglagare sa lamay nina Amalia Fuentes at Tony Mabesa

by PEP Troika
Oct 8, 2019
Ngayong Martes, October 8, inihatid sa kanyang huling hantungan ang dating movie queen na si Amalia Fuentes (kaliwa), habang bukas, October 9, naman iki-cremate ang mga labi ng theater icon na si Tony Mabesa (kanan).
PHOTO/S: Video 48 / Facebook

JERRY OLEA

Naglagare ang mga taga-showbiz sa lamay ni Amalia Fuentes sa Mt. Carmel Church, Broadway St., Quezon City, at sa burol ni Tony Mabesa sa Arlington Memorial Chapels sa Araneta Avenue, Quezon City.

Relatively magkalapit ang dalawang venue.

Dumalaw kay Amalia noong Oktubre 6, Linggo, ang karibal niyang movie queen na si Susan Roces.

Ayon sa apo ni Amalia na si Alfonso Martinez noong Oktubre 7, Lunes ng gabi, “It was nice. Tita Susan was here.

"Tita Helen [Gamboa], everyone, they’re all here. Si Tita Daisy [Romualdez].”

May fans na nagtanong kung dumating ba si Susan sa burol ni Amalia.

“Of course,” mabilis na sambit ni Alfonso.

“Tita Susan pa? Of course, she’s gonna be here.”

Continue reading below ↓

Maraming showbiz veterans ang bumisita kay Amalia, kabilang sina Eddie Gutierrez, Annabelle Rama, Ronaldo Valdez, Divina Valencia, at Imelda Papin.

Sa pagpupugay kay Amalia noong Monday night, hindi halos makapagsalita si Alfonso. Tigmak ng luha, lubos ang pighati.

Sinalo na lang siya ng tiyuhing si Niño Muhlach.

“It’s hard. It’s hard,” sabi ni Alfonso, na apat na taong inalagaan si Amalia sa mansion nito.

“Kami ni lola, medyo opposite kami. Hindi kami nag-aano. We never clashed. Kasi nga, opposites kami.”

Iyong pagpupugay ni Aga Muhlach kay Amalia ay humaplos sa puso ng marami.

“Magaling talaga si Tito Aga pagdating sa mga ganyan,” pakli ni Alfonso.

“Saka si Tito Aga kasi, magandang nagsalita, kasi siya yung favorite pamangkin ni Lola.”

Continue reading below ↓

Alfonso Martinez and sister Alinna Martinez

Ngayong Oktubre 8, Martes ng 8 A.M., ang misa para kay Amalia sa Mt. Carmel Church, at kapagkuwan ay ihahatid na ito sa huling hantungan sa Loyola Memorial Park sa Marikina City.

After the funeral ang flight today ng granddaughter niyang si Alissa Martinez pa-Alberta, Canada para sa wedding doon next week.

Ngayong Tuesday night naman ang “big night” ni Tony Mabesa, na sponsored ng Heaven’s Best Entertainment ng magkakapatid na Herbert, Hero, at Harlene Bautista.

Ang Heaven’s Best ang nagprodyus ng MMFF 2018 movie na Rainbow’s Sunset, na pinagbidahan nina Eddie Garcia, Tony Mabesa, at Gloria Romero, sa direksiyon ni Joel Lamangan.

Continue reading below ↓

Siyempre pa, inaabangan natin kung paano pagpupugayan ni Direk Joel ang kanyang maestro.

Kasabay ng pagpupugay kay Tony ang premiere night ng pelikulang Black Lipstick sa Trinoma, Quezon City.

Launching movie ito ni Kyline Alcantara, at leading men sina Manolo Pedrosa at Migo Adecer.

Bukas (Oktubre 9, Miyerkules) ng 12 P.M. ang cremation ng remains ni Tony sa Arlington Crematory.

NOEL FERRER

Dumating na ang anak ni Sir Tony Mabesa mula sa America na si David, at mananatili rito hanggang sa libing ng kanyang ama.

Continue reading below ↓

David Mabesa (left) and UP professor Alex Cortez

May programa mamayang gabi na inihahanda sina Harlene, at bukas ng 4 P.M. ay dadalhin sa Wilfrido Ma. Guerrero Theater ang cremains ni Sir Tony para pagpugayan ng Dulaang UP.

Ramdam pa rin ang lambong ng lungkot sa show business, pero sana, maging masaya at masigla na ito sa darating na araw habang nilu-look forward natin ang QCinema, Cinema One Originals, Metro Manila Film Festival, at ang 2nd Pinoy Playlist Music Festival na magsisimula this coming weekend.

Siyempre, gusto rin nating batiiin ang ating editor sa PEP na si Karen Pagsolingan at isa pang kasamahan sa panulat na si Allan Diones sa kanilang kaarawan.

Sa anumang paraan, ipinagdiriwang pa rin natin at pinahahalagahan ang buhay!

GORGY RULA

Nasa last quarter na tayo ng taong 2019, sana ay maputol na itong sunud-sunod na namamaalam sa showbiz.

Kasabay na rin ang pagluluksa sa box-office na, kahit ano pang gawin natin, mahirap pa ring maengganyo ang mga manonood sa mga sinehan.

Continue reading below ↓

Iilan lang ang masasabing talagang kumita, at karamihan ay produced pa ng Star Cinema.

Hindi na makagulapay ang ilang producers na hanggang ngayon ay hindi pa rin sumusuko, patuloy pa rin sa paggawa ng mga pelikula.

Wala ring kasiguraduhan kung mare-renew ba ang franchise ng ABS-CBN.

Pero patuloy pa rin ang showbizlandia sa pagtuklas ng mga bagong talento na hahangaan natin.

Sana, sa huling tatlong buwan ng taong ito ay maganda na ang mga senyales na makikita natin.

Sana, magkakilala na rin kayo ni Kyline Alcantara, Sir Noel... para makapag-guest siya sa radio program mo sa Radyo Inquirer nang mai-promote naman niya ang Black Lipstick na mapapanood na sa mga sinehan bukas.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ngayong Martes, October 8, inihatid sa kanyang huling hantungan ang dating movie queen na si Amalia Fuentes (kaliwa), habang bukas, October 9, naman iki-cremate ang mga labi ng theater icon na si Tony Mabesa (kanan).
PHOTO/S: Video 48 / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results