Kyline Alcantara, kabado sa box-office result ng kanyang debut movie

by PEP Troika
Oct 9, 2019
Kyline Alcantara, may mensahe sa kanyang fans na manonood ng Black Lipstick: "Dito po mapapatunayan kung paano po ako suportahan ng Sunflowers."
PHOTO/S: Arniel Serato

JERRY OLEA

"Kung nagustuhan niyo ho ang Blusang Itim noong araw, mas magugustuhan ninyo ang Black Lipstick ngayon!"

Sabi iyan ni Snooky Serna sa premiere night ng Black Lipstick nitong Oktubre 8, Martes, sa TriNoMa, Quezon City.

Blockbuster ang Seiko movie na Blusang Itim na pinagbidahan ni Snooky Serna noong 1986. Co-stars niya rito sina Richard Gomez, Joel Alano, at Lani Mercado.

Millennial version ng Blusang Itim itong Black Lipstick, na launching movie ni Kyline Alcantara.

Ang papel dito ni Snooky ay ina ni Kyline. Pasable ang akting ni Kyline, pati na ang co-stars niyang sina Migo Adecer, Manolo Pedrosa, at Kate Valdez.

Tinalakay sa Black Lipstick ang bullying at ang toxic culture ng social media.

Parang pa-cute version ito ng John Denver Trending (best picture sa Cinemalaya 2019 film fest), at may bahid ito ng Netflix series na Elite at 13 Reasons Why.

Palabas na today ang Black Lipstick sa local cinemas, kasabay ang opening ng Cinemalaya 2019 movie ni Iza Calzado na Pandanggo Sa Hukay.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Pandanggo Sa Hukay had its run na sa Cinemalaya.

Nagulat din si Iza na magpa-public showing na pala ang PSH dahil binili ito ng Viva.

Oh well, ibang-iba naman ang mode of production nito sa Black Lipstick.

Good luck, Kyline!

GORGY RULA

Kabado si Kyline nang sandali naming nakatsikahan sa premiere night kagabi.

"Hindi ko nga po alam kung ano ang nararamdaman ko. Halu-halo nga po, e.

"Kasi ito na po iyong araw na hihinintay ko at kinatatakutan ko.

Sana nga po, maging successful," pahayag ni Kyline.

Kaya ang mensahe niya sa fans niya na tinatawag niyang Sunflowers: "Kinakabahan po ako.

"Pero dito po mapapatunayan kung paano po ako suportahan ng Sunflowers.

"Pero kung ano man po ang magiging resulta nito, proud na proud po ako sa inyo."

Ang isa sa napansin naming malakas ang dating sa screen ay si Migo Adecer, na suportado rin doon ng tita niyang si Kuh Ledesma.

Continue reading below ↓

Sana mabigyan ng magandang break itong si Migo, pero medyo papayatin pa muna siya.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kyline Alcantara, may mensahe sa kanyang fans na manonood ng Black Lipstick: "Dito po mapapatunayan kung paano po ako suportahan ng Sunflowers."
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results