Ricky Davao, excited mag-perform sa 2nd Pinoy Playlist Music Festival

by PEP Troika
Oct 9, 2019
Kabilang ang actor-director na si Ricky Davao sa magpe-perform sa 2nd Pinoy Playslist Music Festival sa October 13 sa Globe Auditorium ng BGC Arts Center, BGC, Taguig City.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Sa saliw ng paggigitara ni Ice Seguerra, bigay na bigay sa pagkanta si Ricky Davao sa birthday party ng kaibigang Allan Diones nitong Oktubre 8, Martes ng gabi, sa 38 Valencia Events Place, Quezon City.

Biniro namin si Ricky na praktis na iyon para sa October 13 (Sunday, 9:00-9:45 P.M.) concert niya sa 2nd Pinoy Playlist Music Festival sa Globe Auditorium ng BGC Arts Center, BGC, Taguig City.

Ayos na ba ang kanyang repertoire?

“Medyo. Mga 7 to 8 songs,” napangiting sambit ni Ricky.

Anong feeling niya na nag-back out si Christopher de Leon sa PPMP 2019?

Ito sana muna ang magpe-perform sa Globe Auditorium bago ang slot niya.

“Ahh, sayang nga, e. Kasi, at least, may kakampi ako. Aktor, 'tapos aktor din ang susunod,” saad ni Ricky.

“Ngayon yata, before me, is an opera singer... Ninenerbiyos na nga ako, e!”

So, hindi na pala True Faith ang susundan niya?! Na-jumble pa rin ang programming.

Continue reading below ↓

May mga kaibigan ba siyang makakasama sa entablado? O siya lang ang magtatanghal?

“Ako lang, e. Seven songs lang naman, 7 to 8 songs.

"Ang maganda, pumayag si Mr. C [Ryan Cayabyab] to play for me. Mga two songs.

“Exciting yun. Ninenerbiyos na nga ako, e!

"Parang ngayon, pinagpapraktisan ko pa. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Iimbitahin ni Ricky ang mga artistang idinirek niya sa Kapuso teledramang Dahil Sa Pag-ibig kung libre ang mga ito.

“Sunday kasi, so I don’t know if people will go out.”

Naku! Imbitahin na rin sana niya ang co-stars sa Cinemalaya 2019 movie na F#*@bois!

“Puwede kong i-invite. Para mag-party-party kami roon! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!” masayang halakhak pa ng multi-awarded actor.

NOEL FERRER

Maraming salamat, Tito Jerry, dahil ikaw ang unang nag-bring up ng idea na puwede si Ricky Davao na sumali sa 2nd Pinoy Playlist musicfest na magsisimula na sa Oktubre 11, Biyernes.

Continue reading below ↓

Ang saya lang, kasi parang hindi lang pampelikula kundi pang-concert stage pa!

Masaya ang line-up this weekend dahil may Martin Nievera singing our requested OPM tunes.

'Tapos, may Mitch Valdes with the AMP Band ni Mel Villena sa Sabado, at marami pang ganap.

Pati na yung magagandang collab nina Jay Durias at Joey Benin kasama ng mga anak nila, aabangan din natin sa Linggo.

All roads lead to the BGC Arts Center these two weekends.

Sulit na sulit ang bayad sa day passes because we truly have the best of OPM!!!

GORGY RULA

Sasabayan ng sikat na South Korean actor na si Lee Seung Gi ang second day ng Pinoy Playlist 2019 sa Sabado.

Vagabond Voyage in Manila ang title ng kanyang Asia Fan Meeting na gaganapin sa New Frontier Theater, na napakamahal pala ng ticket.

Pero marami talaga ang nababaliw sa mga K-drama superstars, kaya ayoko nang makisabay.

Mas gusto kong panoorin si Martin Nievera sa Sabado, at si Ricky Davao sa Linggo.

Continue reading below ↓

At least, matutupad na rin ang gustong mangyari ni Direk Ricky na makapag-concert kahit sa isang maliit na venue lang.

Abangan natin kung susuportahan siya ng close friends niya sa showbiz.

Mas okay kung maki-jamming sa kanya sina Christopher de Leon at Tirso Cruz III.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kabilang ang actor-director na si Ricky Davao sa magpe-perform sa 2nd Pinoy Playslist Music Festival sa October 13 sa Globe Auditorium ng BGC Arts Center, BGC, Taguig City.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results