Black Lipstick ni Kyline Alcantara, maganda ba ang kinalabasan sa takilya?

by PEP Troika
Oct 10, 2019
Hinog na ba si Kyline Alcantara para magkaroon ng sariling pelikula? Ito ang tanong ng marami pagkatapos ipalabas sa mga sinehan ang kanyang launching movie na Black Lipstick.
PHOTO/S: Noel Orsal

NOEL FERRER

“For a nationwide release, waley si Kyline. Waley pang PHP200K sa dami ng sinehan for a commercial film.”

Iyan ang verbatim na sagot ng taga-sinehan sa akin nang tanungin ko kung successful ang transition ni Kyline Alcantara from TV to movie star via Black Lipstick.

Turns out, it’s all hype lang pala. Hindi umubra kay Kyline ang itim na lipstick.

Baka rin hindi pa panahon ng sunflowers. This weekend kaya?

Good luck pa rin, Kyline!

GORGY RULA

Sabi ng ilan, hindi pa raw sana isinabak sa pelikula si Kyline. Hinintay pa raw sanang mahinog nang husto.

Magaling pa naman doon si Kyline at bilib ako sa make-up artist niya, ang laki ng iginanda niya kapag suot niya ang mahiwagang black lipstick.

Promising din itong si Kate Valdez na napakaganda rin sa pelikula.

Sana, mabigyan sila ng magandang project, lalo na si Kyline na tingin ko ay bagay sa kanya ang kikay movies ni Maricel Soriano.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Oktubre 2 pa nag-open sa Pilipinas ang Joker ni Joaquin Phoenix, kasabay ang opening ng Edward, Abominable, at Ang Henerasyong Sumuko Sa Love.

Malakas pa rin ang buzz ng Joker sa socmed. Polarizing.

Merong gustung-gusto ang psychological thriller, at puring-puri ang pagganap ni Joaquin. Mapangahas!

Meron ding tinutuligsa ang istorya nito at karahasan.

Continue reading below ↓

Nag-premiere ang Joker sa 76th Venice International Film Festival noong Agosto 31, kung saan ito ang nagwagi ng Golden Lion.

$96.2M ang opening weekend gross ng Joker nitong Oktubre 4-6 sa North America, at ito na ang pinakamalakas na domestic opening para sa buwan ng Oktubre.

Umarangkada rin ito sa iba’t ibang bansa. #1 movie in the world!

Ayon sa Box Office Mojo website, umabot na sa $272.0M ang worldwide gross nito.

Hopefully, sumugod ang Sunflowers this weekend para panoorin ang Black Lipstick ni Kyline Alcantara.

Inaabangan natin ang Isa Pa, With Feelings nina Carlo Aquino & Maine Mendoza na sa October 16 ang opening.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hinog na ba si Kyline Alcantara para magkaroon ng sariling pelikula? Ito ang tanong ng marami pagkatapos ipalabas sa mga sinehan ang kanyang launching movie na Black Lipstick.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results