Singers ng GMA-7 at ABS-CBN, sasabak sa Pinoy Playlist Music Festival 2019

by PEP Troika
Oct 10, 2019
Time to shine ng GMA-7 artists (left, clockwise) na sina Princess Velasco, Golden Canedo, Jong Madaliday, at Garrett Bolden sa Pinoy Playlist Music Festival 2019, at gayundin ang Star Music artists ng ABS-CBN na sina JMKO, Kritiko, at Miguel Odron.
PHOTO/S: BGC Arts Center Facebook

JERRY OLEA

Bukas (Oktubre 11, Biyernes) ang unang gabi ng 2nd Pinoy Playlist Music Festival sa BGC Arts Center, 26th corner 9th Avenue, BGC, Taguig City.

Ang opening ng BGC Art Mart sa Alveo Central Plaza ay 5:00 p.m.; at pagsapit ng 6:00 p.m. iwe-welcome ng festival curators na sina Moy Ortiz, ka-Troikang Noel Ferrer, at National Artist for Music na si Maestro Ryan Cayabyab ang mga manonood.

Ang unang tatlong pagtatanghal sa 7:00-7:45 p.m. slot ay ABS-CBN Chamber Orchestra (Globe Auditorium), Nancy Brew (Zobel de Ayala Recital Hall), at Moonshine/The Monolog sa Sun Life Ampitheater.

Katulad noong nakaraang taon, tatlo ang venue ng music fest at sabay-sabay ang mga pagtatanghal sa mga ito.

OK lang kung magpalipat-lipat ng panonood ang festivalgoer—halimbawa’y tig-15 minuto sa bawa’t performance.

Ang iba pang magpapasiklab sa Globe Auditorium bukas ay Mandaluyong Children’s Choir (8:00-8:45 p.m.), 4th Impact (9:00-9:45 p.m.), Martin Nievera with Louie Ocampo (10:00-10:45 p.m.), at Acapellago (11:00-11:45 p.m.).

Continue reading below ↓

Magpapakitang-gilas din sa Zobel de Ayala Recital Hall (intimate venue) sina Zsaris/Sabu (8:00-8:45 p.m.), Martti Franca/Guji Lorenzana (9:00-9:45 p.m.), Zion/Marga Javy (10;00-10:45 p.m.), at Bullet Dumas (11:00-11:45 p.m.).

Tampok sa Sun Life Ampitheater (outdoor) ang Ciudad (8:00-8:45 p.m.) at Color It Red (9:00-9:45 p.m.).

Teka! Kalahok pa ba sa PPMF 2019 si Gary Valenciano?!

At bakit sa Zobel de Ayala Recital Hall ang venue ng GMA-7 Artists (Princess Velasco, Golden Canedo, Jong Madaliday, Garrett Bolden, at KEN CHAN) on October 12, Saturday, 6:00-6:45 p.m.?

Hindi nila kayang punuin ang Globe Auditorium?

Well, ang Star Music Artists (Jmko, Kritiko, at Miguel Odron) ay sa Zobel de Ayala Recital Hall din nakatoka sa Oktubre 19, Sabado, 11:00-11:45 p.m.

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Bakit nga ang liit ng venue ng Clashers ng GMA-7?

Abot ba sa 100 ang seating capacity ng Zobel de Ayala Recital Hall? Magagaling pa naman sila. Sana, ilipat sa mas malaking lugar.

Marami tayong aabangan sa mga susunod na araw, lalo na sa mahihilig sa OPM.

Sold out na ang unang gabi (Oktubre 18, Biyernes) ng Iconic concert nina Sharon Cuneta at Regine Velasquez sa Araneta Coliseum.

Kaya sa mga hindi na nakabili ng tickets doon, sulit din kung sa Pinoy Playlist music fest na sila pumunta.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Katatapos lang ng aming outreach program na Pinoy Playlist Filipino Music Appreciation Workshop kasama ang 500 public school students ng Taguig City.

Sinamahan kaming mga curators nina Sweet Plantado at Myke Salomon sa pagtuturo ng mga bata ng kahalagahan at power ng musika sa buhay natin bilang mga Pilipino.

Continue reading below ↓

Magsisimula na bukas, Biyernes, ang PPMF 2019 at ngayon pa lang, may data nang mas maraming nag-advance ng tickets para sa performances sa dalawang magkasunod na weekends.

Nakaka-excite ang mga bagong collabs at mga bagong acts. Masigla talaga ang musikang Pilipino!

Kita-kits sa BGC Arts Center simula bukas!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Time to shine ng GMA-7 artists (left, clockwise) na sina Princess Velasco, Golden Canedo, Jong Madaliday, at Garrett Bolden sa Pinoy Playlist Music Festival 2019, at gayundin ang Star Music artists ng ABS-CBN na sina JMKO, Kritiko, at Miguel Odron.
PHOTO/S: BGC Arts Center Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results