Sharon Cuneta, deadma sa comments tungkol sa sexy photos ng anak na si KC Concepcion

by PEP Troika
Oct 11, 2019
Sharon Cuneta on daughter KC Concepcion's sexy photos on Instagram: "Iba na ang mga bata ngayon, e. This generation is different, e, so sa kanila…"
PHOTO/S: Noel Orsal / KC Concepcion Instagram

GORGY RULA

Ayaw nang mag-react ni Sharon Cuneta sa komento ng netizens sa sexy photos na ipinu-post ni KC Concepcion sa Instagram.

“Tanda na siya, alam na niya ang ginagawa niya. Nainis ako, naunahan ako!” natawang sagot ni Sharon sa PEP Troika sa mediacon para sa Iconic concert nila ni Regine Velasquez, kahapon, October 10.

Gaganapin naman ang concert sa Araneta Coliseum sa October 18 at 19.

Patuloy ni Sharon, “Iba na ang mga bata ngayon, e. This generation is different, e, so sa kanila…

"Nung panahon ko, hindi puwedeng mag-shorts sa beach. Strict si Father."

Masaya raw si Sharon sa panganay niya dahil mukhang okay na ito ngayon sa investments nito at pursigido itong maging jeweler.

Hinihintay na lang daw ni KC ang license niya bilang jeweler pagkatapos niyang mag-aral sa Gemmological Institute of America.

“She’s getting her real license sa ano... sa pagiging legitimate jeweler. Because she loves jewelry and she loves designing,” pakli ng Megastar.

Continue reading below ↓

Pero yun pa rin daw ang wish niya para sa anak at may hiling din siya na sana ay ibigay na ni KC sa kanya.

“Happiness. Whether alone or with someone.

“Basta, wish ko para sa sarili ko, huwag niya akong i-deprive ng apo.

“Kahit kailangang i-freeze niya yung eggs niya at kumuha na lang kami ng donation na at i-combine, okay na sa akin yun.

"Basta may apo ako," nakangiting pahayag ni Sharon.

JERRY OLEA

How time flies! Nagbago na nga ang panahon!

Parang kailan lang na sandamukal ang nagwo-worry na baka magaya si KC sa ina at maagang mabuntis.

Ngayon, si Sharon mismo ay naiinip na... gusto nang magkaapo kay KC, kahit wala itong asawa.

Kung saan masaya si KC, hayaan natin siya.

Wish ko nga na mag-pose siya nang walang saplot para i-paint ng mga respetadong artists!

Hindi kailangang nakabukangkang siya o nakabihadhad ang lahat-lahat!

Continue reading below ↓

Basta, suportahan po natin ang Iconic concert nina Megastar at Asia’s Songbird... Oktubre 18 & 19 sa Araneta Coliseum, Araneta City, Quezon City!

NOEL FERRER

Nag-iba na nga ang panahon.

Pero ako mismo, nami-miss ko si KC doing things na maaalala sa kanya ng mga tao.

Sabi nga ni Sharon, may sarili siyang huwisyo, and I’m looking forward that KC finally finds her rightful contribution to the world kung saan siya magtatatak.

As for Shawie, malaking usap-usapan ang kanyang retirement. I don’t think it’ll be an absolute one.

Mukhang hindi tayo papayag nang ganun, at maging si Shawie rin naman.

She will always have something new and good to do, pero slow down siguro.

Yung hindi na kayod-marino at wala na siya sa market ng kumpetisyon. Legacy work na, kumbaga.

Suportado natin si Shawie riyan, of course!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharon Cuneta on daughter KC Concepcion's sexy photos on Instagram: "Iba na ang mga bata ngayon, e. This generation is different, e, so sa kanila…"
PHOTO/S: Noel Orsal / KC Concepcion Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results