GORGY RULA: Good vibes at masaya lang daw sana ang pag-uusapan sa media launch kay Gabby Concepcion bilang bagong brand ambassador ng Beautederm ngayong Sabado, Oktubre 12, sa Relish restaurant sa Quezon City.
Kaya masaya niyang ikinuwento ang nakaka-good vibes na pag-aayos nila ni Sharon Cuneta sa grand gathering ng Gabay Guro noong Setyembre 22, sa SM MOA Arena.
Tingin ni Gabby, iyun ang tamang panahong magkausap sila na silang dalawa lang.
Kaya okay na sila at ang hinihintay na lang niya ay ang pagkakataong mapag-usapan na nila ang movie project na pagsasamahan nilang dalawa.
Doon na rin nilinaw ni Gabby na kaya hindi natuloy iyung unang binabalak nilang movie project ay dahil wala raw magandang material na puwede nilang gawin.
Hindi raw totoo iyung hindi nagkasundo sa talent fee.
Hindi raw isyu itong talent fee dahil hindi raw siya maniningil.
“I would like all of you to know about this. I also mentioned na wala akong talent fee.
"Mabigay lang iyung video rights kay KC, lahat na rights kay KC, because that’s our legacy to our child. Yun lang ang akin.
“I even told Sharon, walang talent fee, I’m okay with that. Ibigay lang natin iyung kay KC,” pahayag ni Gabby.
Silang dalawa na raw kasi ang magpu-produce na puwede rin daw sumali ang ilang producers.
Sana matuloy na raw ito ngayon, basta meron lang daw dumating na magandang istorya na kakaiba na ngayon pa lang nila gagawin.
“Ang hinahanap namin, sa totoo lang, kung meron lang kayong alam na istorya, ipadala nyo lang po sa amin, o i-Instagram ninyo o i-email ninyo gabbyconcepcion@gmail.com.
“We really, really need a good story. So, if anybody who has a good story out there... It has to be out of the box, kakaiba, we’re willing to look at your stories,” saad ng aktor nang nakatsikahan ng PEP Troika sa launch ng Beautederm.
“I’m looking forward to many other shows next year, sana.
“Ang daming nag-Instagram sa amin, e, ang daming nag-message sa social media na nagre-request na kung puwede kaming mag-show o gumawa ng pelikula.
“Kung hindi man matuloy iyung pelikula, at least man lang, makapag-show kami para makita namin live iyung audience namin na matagal na naming hindi nakikita or hindi nila kami nakikita.
“Yun lang, it’s a gift to all of them who want to see us,” dagdag na pahayag ni Gabby.
JERRY OLEA: Nakakatuwa ang mga pahayag na iyan ni Gabby. Kaya lang, malamang sa alamang na matatagalan pa ang reunion movie nila ni Sharon.
Tatlong pelikula ang nakatakda nang gawin ni Ate Shawie, kabilang ang Pinoy adaptation ng isang South Korean movie, na ipoprodyus ng Viva. Within the next two years ang projects ni Megastar sa kalendaryo.
Marami rin ang nagre-request na gumawa ng movie sina Sharon at Regine Velasquez, na kung puwede raw ay idirek ni Jun Lana para sa Viva.
Masusubukan ang lakas ng kumbinasyong Megastar-Asia’s Songbird sa Iconic concert sa Oktubre 18 at 19 sa Araneta Coliseum, Araneta City, QC.
Hmmm, parang bet ko ang pelikula na love triangle sina Sharon, Gabby at Regine. Iyung comedy, hindi drama.
Tipong Pinoy version ng Outrageous Fortune (1987) na tinampukan nina Bette Midler, Shelley Long & Peter Coyote.