Starla ni Judy Ann Santos, patuloy na humahataw sa ratings

by PEP Troika
4 days ago
Judy Ann Santos' comeback ABS-CBN teleserye Starla has consistently edged out GMA-7's The Gift in the ratings game since its pilot episode last October 7, 2019.
PHOTO/S: Noel Orsal

JERRY OLEA: Nakakabulag ang luningning sa ratings ng bagong Kapamilya fantaserye ni Judy Ann Santos na Starla.

Ayon sa national TV ratings (urban + rural) ng Kantar Media, naka-29.2% ang pilot episode nito noong Oktubre 7, Lunes, kontra sa 14.5% ng The Gift.

Oktubre 8, Martes, nag-29.2% muli ang Starla, kontra sa 14.4% ng The Gift.

Oktubre 9, Miyerkules, consistent pa rin sa 29.2% ang Starla, kontra sa 14.6% ng The Gift.

Oktubre 10, Huwebes, bahagyang umangat sa 29.8% ang Starla, kontra sa 14.0% ng The Gift.

Matagal na na-miss ng fans ang pagte-teleserye ni Juday. Huwag Ka Lang Mawawala (2013) ang huling primetime drama series niya bago itong Starla.

“I’ve been doing Starla for almost two years,” sabi ni Juday nang makachikahan ng PEP Troika noong nakaraang Lunes, Setyembre 30, sa Greenbelt 3 My Cinema, Makati City.

“Yung last teleserye na dapat kong gagawin with Richard Yap, nabuntis naman ako kay Luna. Kaya na-shelve siya.

“So, after that, siyempre, iku-consider mo yung kailangang magpapayat. You have to look good onscreen. It took me two years to shed off some pounds.

Continue reading below ↓

“And yung Starla, perfect timing. Kasi, noong in-offer siya sa akin ng Dreamscape, gusto ko ring gumawa ng isang karakter sa teleserye na bago sa makikita ng mga tao.

“Kasi nagawa ko na yung babae na na-in love sa mayaman, 'tapos kinaliwa, niloko siya, nagpaka-maton, nambugbog, yung ganoon.

“Nagawa ko na siya. At least, ngayon, kontrabida—with a heart. It’s something totally different. At pambata siya.

“Kasi, may wishing star. Excited ako, mapapanood ng mga anak ko. Parang yung mga project na ginagawa ko ngayon, mas gusto ko lang na napapanood ng mga anak ko para naiintindihan nila yung trabaho ko.”

NOEL FERRER: Nang napanood ko ang pilot episode ng fantaseryeng Starla ay kinapitan ko na ito.

Hindi lang ako kundi yung dalawang pamangkin ko na hooked sa idea ng inampon na batang matabil ng isang grouchy nang matanda na talaga namang kaygagaling umarte.

Continue reading below ↓

In fairness, sa dulo pa ng pilot epiode nagpakita si Juday—pero hooked ka na sa istorya.

'Tapos, offbeat at may pagkabida-kontrabida pa ang ating Teleserye Queen kaya hahangaan mo siya for being brave in her choice of roles. Patuloy niyang binabangga at hinahamon ang kanyang mga nakasanayang kahon.

That’s Juday for all of us. In terms of her artistry, hindi nakapako sa kanyang comfort zone. She keeps on exploring, daring and challenging herself to do better.

Nagagawa niya siguro ito dahil buo at matatag ang kanyang core na personal na buhay na puno ng pagmamahal.

Kaya naman idol ko talaga si Juday—sa career man o lalo na sa tunay na buhay!

GORGY RULA: Tamang-tama lang itong Starla sa pagbabalik na rin ni Judy Ann sa pelikula.

Maganda ang feedback sa Mindanao nila ni Allen Dizon, na idinirek Brillante Mendoza. Kaya kung tama ang timing sa pagsisimula ng Starla, sana ay tama rin ang timing ng showing ng Mindanao.

Continue reading below ↓

Sa 45th Metro Manila Film Festival na kaya ito?

Magkakaalaman na sa Oktubre 16, Miyerkules.

JERRY OLEA: Bet ba ng 41-anyos na si Juday na magkaroon pa ng isa o kahit dalawang anak?

“Ahhmm, iniisip pa pero hindi siya naka-priority sa amin ngayon,” matamang sambit ni Juday.

“Kasi parang... yung reyalidad lang na mahirap talagang magpalaki ng bata sa panahon ngayon...

“Ahhm, yung environment, yung society, how you’re gonna shield them from all these things. Yung gastos lang sa pagpapaaral...

“Little things like that, pag pinagsama-sama mo, it’s huge. And if you want to give each child proper attention and proper love and care, ima-manage mo siya talaga properly.

“And three kids is a handful already. Okey na kami roon. But if God’s gonna bless us with another one nang hindi naman pinaplano, bakit naman hindi?

“Pero ngayon... ang hirap kasing magpapayat! Pag nanganganak ako, parang kumakain ako ng building!

Continue reading below ↓

“Nagiging marshmallow talaga ako. So... OK na ako nang ganito,” ngiti pa ni Juday.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Judy Ann Santos' comeback ABS-CBN teleserye Starla has consistently edged out GMA-7's The Gift in the ratings game since its pilot episode last October 7, 2019.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results