Bravo: Duet ni Lani Misalucha at clasher; Ken Chan, Golden Canedo performances

by PEP Troika
Oct 13, 2019
The Clash judge Lani Misalucha (Middle, bottom), clasher Lorraine Galvez, The Clash Season 1 champ Golden Canedo (L), The Clash Journey host Ken Chan (R), pinalakpakan ang performances.
PHOTO/S: Jerry Olea; Screen grab from GMA-7

GORGY RULA

Tuwang-tuwa ang Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha nang biglang naka-duet niya sa kantang "Orange-Colored Sky" ang isang clasher na si Lorraine Galvez ng La Union.

Biglaan lang iyun dahil isa ito sa pinakapaboritong kinakanta ni Lani, at natuwa siya nang kinanta ito ni Lorraine.

Pinaunlakan naman ni Lani ang request ng audience na magpa-sample ito ka-duet na si Lorraine. Ang ganda ng kinalabasan kaya tuwang-tuwa ang tatlong Clash panels.

Iyon ang tipo ng clasher na hinahanap nila sa second season ng The Clash, dahil sinasabi rin nina Ai-Ai de las Alas at Christian Bautista na ang gusto nila ay naiiba sa mga napili nila sa unang season.

Mamayang gabi, October 13, sa The Clash ay makukumpleto na ang 32 top of the clash seats at papasok sila sa panibagong twist ng "Laban kung Laban" round.

Mas madrama ito ngayon dahil merong mag-inang taga-Tondo na nakapasok sa 32 clashers. Kaya inaabangan kung silang dalawa kaya ang pagtatapatin.

Continue reading below ↓

May isa ring mommy na clasher na kaya siya sumali, gusto lang daw niyang makita sa TV at mabigyan ng pagkakataong manawagan sa kanyang anak na napalayo sa kanya 10 years ago. Sana raw, sa pamamagitan ng The Clash ay magtagpo silang mag-ina.

Sana, mas maganda ang line up ngayon at malay natin, baka superstar material ang mananalo ngayong second season at makakasali rin siya, Sir Noel, sa 3rd Pinoy Playlist Music Festival next year.

NOEL FERRER

In fairness, Tito Gorgy, magaling si Golden Cañedo kagabi na talagang you guessed it right—naka-gold outfit sa Pinoy Playlist.

Golden Canedo

Continue reading below ↓

At trouper talaga si Ken Chan dahil itinuloy niya ang performance kahit kagagaling lang niya sa hospital.

Obvious na napapahalagahan niya ang turo sa kanya ng mentor niyang si Kuya Germs na, “The show must go on.”

Biro niya kay Michelle na taga-GMA Records na sinapian daw siya ni Kuya Germs sa kanyang outfit at sa mga malalaking singsing na suot niya. At hasang-hasa na rin si Ken sa pagho-host, kaya iyan ang bentahe niya sa audience kagabi.

Sana nga, Gorgy, these GMA Artists will invade the bigger auditorium na next year!

JERRY OLEA

Tigdadalawang kanta sina Princess Velasco, Golden Cañedo, Jong Madaliday, Garrett Bolden, at Ken Chan sa ikalawang gabi ng Pinoy Playlist 2019 nitong Oktubre 12, Sabado, 6:00-6:45 p.m. sa Zobel de Ayala Recital Hall ng BGC Arts Center, Taguig City.

Sa umpisa na si Princess ang nag-perform ay wala pang 40 ang nakaupong festivalgoer. By the time na sina Golden at Ken na ang nag-perform ay iilan na lang ang bakanteng silya.

Continue reading below ↓

Magaling si Golden. Ginintuan ang tinig. Kaysarap pakinggan. Pero sana, huwag siyang magtipid sa titik “s.” Ang pag-introduce ni Golden kay Ken, “one of the Kapuso primetime artist.”

Gusto ba niyang baguhin ang title ng prime-time show nina Ken at Rita Daniela, at gawing “One of the Bae”?

Oh, yes, namana ni Ken ang showmanship ng Master Showman. Bongga ang interaction niya sa audience. Kilig na kilig sa kanya ang 15-anyos student na naka-pink school uniform nang isama niya sa stage para kantahan ng bagong single niyang "One Like."

Holding hands lang sila noong una, hanggang niyakap na ni Ken ang estudyanteng napapapikit sa labis kaligayan. Lumuhod pa si Ken sa estudyante, kaya nagtilian ang mga kasamahan nitong nanonood.

Sinabihan ni Ken ang estudyante na umupo sa kanya, ngunit tigas ito ng pag-iling at any moment ay hihimatayin na yata.

Ken Chan

Continue reading below ↓

Sa pagtatapos ay masuyong hinalikan ni Ken ang dalagita, sa pisingi yata o sa noo. Aba! Hindi nakuntento ang estudyante at buong higpit na yumakap kay Ken!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Clash judge Lani Misalucha (Middle, bottom), clasher Lorraine Galvez, The Clash Season 1 champ Golden Canedo (L), The Clash Journey host Ken Chan (R), pinalakpakan ang performances.
PHOTO/S: Jerry Olea; Screen grab from GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results