"Buwan" ni JK Labajo, malayo na ang narating

by PEP Troika
Oct 13, 2019
JK Labajo's monster hit, "Buwan," has been one of the most interpreted tunes in the ongoing 2nd Pinoy Playlist Musical Festival.
PHOTO/S: @jkufcofficial on Instagram

JERRY OLEA: Nakadalawang gabi pa lang ang 2nd Pinoy Playlist Music Festival, at karamihan sa pinanood ko ay sa Globe Auditorium ng BGC Arts Center, Taguig City.

Pero tatlong beses ko nang napanood ang magkakaibang interpretasyon ng kantang "Buwan" sa naturang venue.

Noong Oktubre 11, Biyernes, pasiklab ang harmonious blending ng 4th Impact (9:00-9:45 PM) sa nasabing awit.

Anila, “Ang galing talaga ng kumanta nito!”

Nitong Oktubre 12, Sabado, pambungad na bilang ni Bugoy Drilon (8:00-8:45 PM) ang "Buwan." Hataw na hataw!

Parang kiti-kiti si Bugoy sa pagbirit at pagkandirit, with matching hagikgik.

Ang sabi ni Gerphil Flores (9:00-9:45 PM), sikat na sikat ngayon ang kantang ito, at alam niyang inawit na ng ibang performers sa PPMF 2019.

Kagaya raw ito ng "Please Be Careful With My Heart"—composed by the composer, lyrics by the lyricist, sung by the singer, na iisang tao lang.

Nagpasintabi si Gerphil na binago niya ang ilang salita sa kanta para bumagay sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Iyong “ganda” ay ginawa niyang “guwapo,” at iyong “kagandahan” ginawa niyang “kaguwapuhan.”

Ang ganda-ganda rin siyempre ng bersyon ni Gerphil. Napakalamyos! Tumutusok sa puso ang taghoy! Lumalatay sa atay!

May I suggest, instead na “guwapo” at “kaguwapuhan” ang gamitin ni Gerphil, eh “kisig” at “kakisigan” na lang?

In-acknowledge ni Gerphil ang lumikha ng "Buwan," si Juan Karlos “JK” Labajo.

Itong "Buwan" ang theme song ng pelikulang Isa Pa, With Feelings na pinagbibidahan nina Maine Mendoza at Carlo Aquino, at ipapalabas na sa darating na Miyerkules, Oktubre 16, sa mga sinehan.

Wish ko lang na kantahin ng sinuman sa Star Music Artists (Jmko, Kritiko & Miguel Odron) ang "Buwan" sa kanilang slot sa Sabado, Oktubre 19, 11:00-11:45 PM sa Zobel de Ayala Recital Hall.

Puwede ba iyon, Roxy Liquigan?

Suntok sa dilaw na buwan, pero inaasam ko ring makibahagi si JK Labajo sa awards night ng Pinoy Playlist 2019 sa Linggo, Oktubre 20, 9:00-9:45 PM sa Globe Auditorium.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

GORGY RULA: Malayo na ang narating ng "Buwan" ni JK Labajo, at mukhang okay na okay naman si JK at ang ‘buwan’ ng buhay niyang si Maureen Wroblewitz.

Mukhang masaya si JK sa kung ano mang relasyon nila ni Maureen. Sana, ma-inspire siyang makagawa uli ng kantang pasisikatin niya. Hindi na kasi nasundan ang "Buwan" niya.

Samantala, kinarir din pala ni JK ang pagpapayat dahil gusto rin sana niyang mapiling leading man sa launching movie ni Maureen.

Pero baka si Kit Thompson na ang mapipili nilang makasama ni Maureen na mag-shoot sa New Zealand.

Susunod kaya roon si JK?

NOEL FERRER: Ay, naku! Huwag kayong magulat kung kantahin din ang "Buwan" sa Iconic concert nina Sharon Cuneta at Regine Velasquez sa Oktubre 18 & 19 sa Araneta Coliseum.

Nakakatuwa ang birthday surprise para kay Kapitana Mitch Valdes sa Pinoy Playlist Music Festival kagabi.

“Kinabahan talaga ako, baka yung tunay na Presidente,” sabi ni Mitch na sinorpresa ng Pangulo sa FPJ’s Ang Probinsyano na si Rowell Santiago.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Laging ang Pinoy Playlist ang hudyat ng birthday celebration ni Mitch na suwerteng kasama sa pelikula ni Coco Martin with Jennylyn Mercado and Ai-Ai de las Alas.

Excited ako mamaya for Ricky Davao na nandoon na sa BGC Arts Center kagabi pa lang to get a feel of the auditorium.

Tutugtog no less ang National Artist Ryan Cayabyab for Ricky!

Pasimuno riyan si Tito Jerry na nagkumbinse kay Ricky na mag-Pinoy Playlist! Ayan na, magaganap na mamayang 9:00-9:45 PM sa Globe Auditorium!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
JK Labajo's monster hit, "Buwan," has been one of the most interpreted tunes in the ongoing 2nd Pinoy Playlist Musical Festival.
PHOTO/S: @jkufcofficial on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results