JERRY OLEA: Ang daming ganap ngayong Linggo ng gabi, Oktubre 13. Sabay-sabay!
PASIYAM para sa legendary movie queen na si Amalia Fuentes mamayang 7:00 PM.
Para lang ito sa mga kapamilya at malalapit na kaibigan. Strictly invitational.
33rd PMPC STAR AWARDS FOR TV mamayang 8:00 PM sa Henry Lee Irwin Theater ng Ateneo de Manila University, Loyola Heights, Quezon City.
Magpupugay ang TNT Boys kasama sina Elha Nympha, Zephanie Dimaranan at Janine Berdin sa mga namayapang sina Eddie Garcia at Gina Lopez.
Nagpasabi ang Ading Fernando Lifetime Achievement awardee na si Kris Aquino na hindi siya makakadalo dahil pa-Singapore siya.
Ang tatanggap ng kanyang award ay ang mga anak na sina Joshua at Bimby.
Hosts ng programa sina Kathryn Bernardo, Kim Chiu, Robi Domingo at Enchong Dee.
May mapanalunan kaya silang award/s?
HELP EAGLE FLY AGAIN mamayang 9:00 PM sa Che’lu Bar, M. Orosa St. cor. Julio Nakpil St., Malate, Manila.
Concert for a cause ito para sa pagpapagamot ni Michael “Eagle” Riggs, na nasagasaan ng motorsiklo sa Puerto Princesa City, Palawan.
Kabilang sa performers sina Ivy Violan, Inday Garutay, Atak, Richard Villanueva, Renz Fernando at Jeremiah.
P300 ang tiket, may kasama nang isang beer.
At siyempre pa, ikatlong gabi na ng PINOY PLAYLIST MUSIC FESTIVAL 2019 sa tatlong venue sa BGC Arts Center, 26th corner 9th Avenue, BGC, Taguig City.
Magpapakitang-gilas sa GLOBE AUDITORIUM ang Contemporary Original Pilipino Christian Praise Music: Arnel de Pano (5:00-5:45 PM), Bandurias: Jay, Khalil & Jaydee Durias (6:00-6:45 PM), Joey & Clara Benin (7:00-7:45 PM), True Faith (8:00-8:45 PM), at Ricky Davao (9:00-9:45 PM).
Magpapaandar sa ZOBEL DE AYALA RECITAL HALL sina Abby Clutario (5:00-5:45 PM), Pinopela (6:00-6:45 PM), Extrapolation (7:00-7:45 PM), Rachel Gerodias & Dr. Raul Sunico with Byeong In-park (8:00-8:45 PM), at Ateneo Chamber Singers (9:00-9:45 PM).
Magpapayanig sa SUN LIFE AMPITHEATER ang Room for Cielo (5:00-5:45 PM), Boldstar (6:00-6:45 PM), Itchyworms (7:00-7:45 PM), at Philpop (8:00-8:45 PM).
NOEL FERRER: Sobrang open invitation ang ipinaabot ng mga tao sa Pinoy Playlist Music Festival na paganda nang paganda, at parami nang parami ang mga manonood as the days pass.
Nakaka-excite ang COLLABS tulad ng Itchyworms at ng The Company na may joint song na ila-launch tonight.
Excited din ako kay Jay Durias at mga anak niyang ang tawag ay Bandurias, at si Joey Benin na ka-collab ang anak na si Clara.
At bilang pangwakas ng Linggo, si Ricky Davao ay makakasama ang National Artist Ryan Cayabyab sa dalawang kanta: Araw Gabi at Kahit Ika’y Panaginip Lang!
Kita-kits sa Pinoy Playlist Music Festival!
GORGY RULA: Lagare ngayong araw ang National Artist for Music na si Maestro Ryan Cayabyab.
Bago siya tumuloy sa Pinoy Playlist, nag-judge muna siya kaninang tanghali sa ASAP Natin ‘To kung saan ginanap ang grand finals ng Himig Handog 2019.
Walang ibang magandang kanta na tumatatak sa pandinig namin kundi yung "Mabagal" na likha ni Dan Tanedo, at in-interpret nina Daniel Padilla at Moira dela Torre.
Wala man lang akong narinig na na-LSS ako.
Mukhang itong kantang "Mabagal" lang ang mapapabilis ang pagsikat dahil na rin siyempre sa suporta ng KathNiel fans.
Kaya hinakot nito ang lahat ng special awards.