Poging showbiz newbies, pinag-aagawan ng cougar at gay benefactors

by PEP Troika
Oct 14, 2019
Sino itong dalawang showbiz newbies na may madatung na "sponsors?"
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

JERRY OLEA

Nagko-compare notes ang mga juding at matronix sa dalawang pogilicious newbie sa showbiz.

Si Pogi #1, walang pakialam kahit sabihin ng mga tao na daks siya.

Tunay namang nagmula siya sa dakilang lahi, at karapat-dapat tanghaling Bukol Prince.

Binatilyo pa lang si Pogi #1 ay may bading nang nag-aaruga sa kanya.

Nakatagpo si Pogi #1 ng mayamang matrona, at buong puso na nagpaubaya ang bading.

Hindi naghabol ang bading, at sapat na sa kanya ang mag-emote, "Una kang naging akin..."

Si Pogi #2, nakakahumaling ang mga indak at indayog, at ang ngiti’y sadyang mapanukso.

Hindi kalakihan ang kanyang kinikita, pero yayamanin ang kanyang kotse at tinutuluyang condo.

Meron pala siyang sugar mommy, isang matrona na maasim-asim pa.

Mas matamis pa sa panutsa ang kanilang pagsusuyuan, ngunit isang gabi na nagkukubli ang buwan, nasaksihan ni sugar momma ang pagtataksil ng kanyang boytoy. In flagrante delicto!

Nasilayan ng cougar ang pakikipaglanturan ni Pogi #2 sa isang badidang na sosy.

Continue reading below ↓

Nainsulto ang pagkababae ng matrona. Nang gabi ring iyon, binawi niya kay pogi ang mga susi ng kotse at condo unit.

GORGY RULA

Ang dami na talagang nagsusulputang artista, lalo na ang mga baguhang aktor na may mayamang bading o matronang all-out ang sponsorship.

"Sponsor" ang tawag ng ibang boylet na pumapatol sa ganoon.

Ang iba ay hindi na nila itinatago. Ang iba ay tigas ang tanggi.

Pero ang ending, nagkakaalaman din at lumalabas ang katotohanang naging bahagi sa kanilang tagumpay ang mapagpalang kamay ni madatung na sponsor.

Wala pa kaming nakikitang may magandang project sa TV itong si Pogi #1, pero nakikita ko sa mga ipinu-post sa kanyang social media, nakakapagbiyahe siya sa ilang Asian countries.

Karay-karay kaya siya ni mayamang matrona? Ang laki kasi ng naitulong at suporta ni matrona sa sinalihan niyang show.

Si Pogi #2 naman ay wala na akong balita kung saan na siya o meron na bang sumalo sa kanya.

Continue reading below ↓

Pero paminsan-minsan ay nakikita ko siya sa isang daily show at alam kong ka-join siya sa online edition nito.

Magaling siyang kumanta at sumayaw, guwapo, matangkad. Kaya mukhang malayo pa ang kanyang mararating.

Puwedeng may mga darating pang tempting offers mula sa bonggang sponsors.

Iba na talaga ang panahon ngayon. Kaya nang talunin ng mayamang bading ang mayamang matrona.

Minsan, magaganda pang babae ang nakipagkumpetensiya sa mga bading na kayang ibigay ang pag-aaruga kay boylet na puwedeng ibigay ng isang tunay na babae.

Sana, maisip nilang kapag all-out ang suportang ibinibigay nila kay guwapong boylet na pumapasok sa pag-aartista, lalong tumataas ang market value nito, at tumataas din ang risk na mapalayo sa kanila.

NOEL FERRER

At ang pinag-uusapan talaga sa kanila ay ang kanilang pagpatol sa sponsors at kung daks sila at gifted—at hindi ang husay nila sa pagiging artista.

Ibang market value na pala ang usapan ngayon.

Continue reading below ↓

O malay natin, baka dahil sa pinagdadaanan nilang ito, mas malalim ang kanilang pinaghuhugutan. Good luck!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sino itong dalawang showbiz newbies na may madatung na "sponsors?"
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results