Maine Mendoza, sunud-sunod ang paghakot ng awards

by PEP Troika
Oct 14, 2019
Matapos parangalan sa 9th EdukCircle awards bilang Best Comedienne, nagwagi namang Best Comedy Actress si Maine Mendoza sa 33rd Star Awards for Television para sa Kapuso comedy series na Daddy's Gurl.
PHOTO/S: Rams David Facebook

JERRY OLEA

Abot sa dilaw na buwan ang kasiyahan ng fans ni Maine Mendoza.

Noong Oktubre 12, Sabado, tatlong award ang natamo ni Maine sa 9th EdukCircle Awards — Best TV Comedienne para sa Daddy’s Gurl, isa sa limang Most Influential Film Actresses of the Year, at isa sa limang Most Influential Celebrity Endorsers of the Year.

Nitong Oktubre 13, Linggo, kinilala si Maine bilang Best Comedy Actress sa 33rd PMPC Star Awards for TV sa Henry Lee Irwin Theater, Ateneo de Manila University, Quezon City. Para pa rin ito sa Daddy’s Gurl.

Ngayong Oktubre 14, Lunes, ang pelikula nina Maine at Carlo Aquino na Isa Pa With Feelings ay nagkamit ng gradong A mula sa Cinema Evaluation Board.

Tweet ng CEB member na si Bum Tenorio, Maine and Carlo “are incandescent and sensitive in their portrayal of their roles as the hearing Mara and deaf Gali.”

Mapapanood sa mga sinehan ang Isa Pa With Feelings umpisa Oktubre 16, Miyerkules.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Hindi nagtatangkang mag-break ng box-office records sina Maine at Carlo, pero kung pagandahan ang labanan, may ibubuga ang Isa Pa With Feelings.

Sana lang, kumita talaga ito nang malaki para magkaroon ng kasunod na collab among film outfits!

Good luck sa regular showing ng pelikulang ito.

I really want it to succeed! Promise!!!

GORGY RULA

Mas maingay ang promo ng Hello, Love, Goodbye kesa sa Isa Pa With Feelings pero hinuhulaan ng katamihan na malakas din ito.

Napatunayan na ni Maine ang pagiging komedyante niya at nagka-award pa siya.

Sa pelikulang ito ay ipapakita naman ang pagiging dramatic artist ni Maine.

Malamang, susuportahan din ito ni Alden Richards.

Kung dalawang beses pinanood ni Maine ang HLG, siguro naman ay ganoon din si Alden sa IPWF, di ba?

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matapos parangalan sa 9th EdukCircle awards bilang Best Comedienne, nagwagi namang Best Comedy Actress si Maine Mendoza sa 33rd Star Awards for Television para sa Kapuso comedy series na Daddy's Gurl.
PHOTO/S: Rams David Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results