Joker at Maleficent, pagtutulungan ang Isa Pa With Feelings sa box office

by PEP Troika
Oct 15, 2019
Joaquin Phoenix as Joker; Maine Mendoza and Carlo Aquino in Isa Pa With Feelings; and Angelina Jolie as Maleficent.

JERRY OLEA

Wagi pa rin sa takilya ng North America last weekend (Oktubre 11-13) ang Joker, na naka-$55.86M.

Nakuha rin nito ang record bilang “biggest second weekend in October.”

Ayon sa Box Office Mojo, umabot na sa $193.6M ang domestic gross nito.

Sa international market ay naka-$354.7M na ang nasabing pelikula ni Joaquin Phoenix, kaya umabot na sa $548.3M ang worldwide gross nito.

Noong Oktubre 2 pa nag-open sa mga sinehan ng Pilipinas ang Joker, kasabay ang Edward at Ang Henerasyong Sumuko sa Love.

May epekto pa kaya ang Joker sa Isa Pa With Feelings na mag-o-open bukas, Oktubre 16, Miyerkules?

Kasabay ng opening ng movie nina Maine Mendoza at Carlo Aquino ang dark fantasy adventure film ni Angelina Jolie na Maleficent: Mistress of Evil.

Will evil reign?

NOEL FERRER

Kagabi, October 14, ang premiere ng Maleficent: Mistress Of Evil sa bagong posh Manila Bay Cinema.

Kaso, dahil sa traffic, hindi na ako nakapunta.

Continue reading below ↓

Mamaya ang premiere night ng Graded A na pelikula nina Carlo at Maine na Isa Pa With Feelings directed by Prime Cruz.

Kaklase ko dapat si Prime sa Batch 22 ng Ricky Lee Scriptwriting Workshop, pero nag-drop siya dahil kailangan niyang matapos ang pelikulang ito.

Sana talaga, worth it... mukha naman.

Gusto ko itong kumita para sumigla-sigla na naman ang box-office showing ng local films pagkatapos ng disastrous blooming ng sunflowers.

GORGY RULA

Makakasabay ng premiere night ng Isa Pa With Feelings ang gala ng pelikulang Babae at Baril sa Gateway Cinema.

Itong Babae at Baril ay isa sa entries sa QCinema International Film Festival 2019 na pinagbidahan ni Janine Gutierrez, at idinirek ni Rae Red.

Namroblema si Lotlot de Leon dahil kasama rin siya sa Isa Pa With Feelings, pero kailangan din niyang suportahan si Janine.

Ang mga pelikulang kalahok sa QCinema ay mapapanood sa Gateway Cinema, Trinoma at Galleria umpisa ngayon hanggang Oktubre 22.

Continue reading below ↓

May awards night ito sa Biyernes, October 18.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joaquin Phoenix as Joker; Maine Mendoza and Carlo Aquino in Isa Pa With Feelings; and Angelina Jolie as Maleficent.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results